Bea hindi ready sa halikan
Gustuhin man ng magka-loveteam na Jake Vargas at Bea Binene na magkaroon ng kissing scene sa kanilang pelikula o TV projects, kailangan pa nilang maghintay ng tamang panahon.
Hindi ko alam kung kailangan dapat mandaya. Si Julia Montes nga panay daya ang kissing scene kina Coco Martin at Paulo Avelino sa seryeng Walang Hanggan.
Pero sinabi ni Bea na hindi pa siya handa sa mga ganitong eksena bagaman at nang tanungin niya ang kanyang kapareha kung handa na ito, sinabi nitong oo pero sa kanya lamang. Ayaw nitong makipag-kissing scene sa iba. Both are starring in My Kontrabida Girl topbilled by Rhian Ramos and Aljur Abrenica.
Jessy parang hindi mapupunta kay Budoy
Tila sa character naman ni Enrique Gil mauuwi ang character na ginagampanan ni Jessy Mendiola sa magtatapos ng serye bukas na Budoy. Bagaman in reality ay wala naman sigurong normal na babae na magpapakasal sa isang mentally challenged na tulad ni Budoy, baka hindi matanggap ng maraming manonood ang katotohanang ito and will insist na sina Budoy at Jackie pa rin ang magkatuluyan in the end.
Baka rin maisip ng pamunuan ng ABS-CBN na gawin ang ganitong pagtatapos na hindi naman magiging makatotohanan. Kaya abangan na lamang natin kung kay Budoy pa rin mauuwi si Jackie o sa kapatid niyang si BJ.
14 baguhan maglalaban sa best new actor-actress
Isa pa rin sa pinaka-aabangang kategorya sa gaganaping Star Awards for Movies sa Marso 14 ay ang Best New Actor/Actress. Sa rami ng mga bagong artistang naglalabasan ngayon, meron at merong makikitang may potensiyal na maging isang malaking artista in the future.
Labing apat na kabataang artistang babae at lalaki ang napili ng PMPC na nakita ang natatanging pagganap sa isa sa mga pelikulang ginawa nila noong nakaraang taon.