Pamangkin ni Piolo sa GMA 7 pumirma ng kontrata
Seen : Respeto ang hinihingi ni Gerald Anderson mula sa mga tao na tutol sa special friendship nila ni Sarah Geronimo.
Umamin na si Gerald na may special feelings siya para kay Sarah.
SCENE : Ang pagiging pamangkin ni Piolo Pascual ang claim to fame ni Benjamin Alves, ang bagong contract star ng GMA Network Inc.
Pamilyar si Benjamin dahil siya si Vince Saldana na naging artista nang sumali noon sa Close Up to Fame contest ng ABS-CBN.
Seen : Dapat magpasalamat sa Cinemalaya ang young filmmaker na si Emerson Reyes dahil nagkaroon siya ng 15-minute fame.
Si Emerson ang direktor ng MNL 143, ang na-disqualify na pelikula sa New Breed Category ng 2012 Cinemalaya Independent Film Festival.
Scene : Lumakas ang sexual harassment na reklamo ni Cristy Ramos laban kina Lexton Moy at Angel Guirado ng Team Azkals dahil sa suporta na ipinakita ng kanyang mga magulang, sina former President Fidel Ramos at First Lady Amelita Ramos.
Nagpainterbyu sa media ang powerful couple bilang suporta sa kanilang anak.
Seen : Ang protesta sa pahayag ni Aleli Arroyo sa mga TV interviews na “As far as I’m concerned she is not (Grace Ibuna) existing. In Catholicism, there is only one wife. Iisa lang po ang asawa. ‘Di ko alam kung bakit may pinagsasabi pang iba pero sa atin, iisa lang po ang asawa,” dahil second wife siya ni Congressman Iggy Arroyo na unang nagpakasal kay Marilyn Jacinto.
Scene : May mga natawa sa imbitasyon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kay Taylor Kitsch na dumalaw ito sa Pilipinas at mag-apologize dahil sa airport incident na isinalaysay niya sa late night show ni David Letterman na nagbigay ng pangit na imahe sa bansa.
Siyempre, busy si Taylor, wala siyang time na magpunta sa Pilipinas para lang mag-sorry.
Seen : May dapat ipagpasalamat kay Senator Miriam Defensor-Santiago si Atty. Vitaliano Aguirre dahil nagkaroon ito ng left and right interviews at TV guestings na epekto ng pagtatakip niya ng tenga habang nagsasalita ang senadora sa impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona noong isang linggo.
Scene : Pareho ng pahayag sina Chief Justice Renato Corona at Grace Ibuna, nasa kanila ang huling halakhak sa mga malalaking pagsubok na pinagdaraanan nila sa kasalukuyan.
- Latest