Ayon sa tweet ng mga fans niya, ligtas na si Jennylyn pero nangamoy sunog daw ang girlfriend ni Luis Manzano.
Hindi nabanggit sa tweet kung anong ginagawa nito sa Abra.
Obviously hindi sosyal ang tinuluyan ni Jennylyn sa nasabing probinsiya ha.
Hindi nakaligtas ang boyfriend ni Katya Santos nang makuryente ito ng water heater sa Mindoro yata ‘yun several years ago kaya dapat na magpasalamat sa Diyos si Jennylyn.
Kita nina Toni at Alex hindi na nila inaalam, diretso agad sa nanay nila!
Magsisimula na ang kauna-unahang month-long special ng Wansapanataym tampok ang ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga.
Sa Witchy Mitch episode ngayong Sabado (Marso 10), gagampanan ni Toni ang karakter ni Mitch, isang good witch na susuwayin ang sariling ina para magamit ang kaniyang magic powers sa sariling kapakanan at paghihiganti.
Mapangangatawanan kaya ni Mitch ang kanyang responsibilidad kapag nalagay siya at ang kanyang pamilya sa peligro?
Makakasama rin ni Toni sa episode sina Guji Lorenzana, Isay Alvarez, Atoy Co, Angel Sy, at Niña Dolino na sinulat ni Joel Mercado at direksyon ni Eric Salut.
Samantala sa tambak na trabaho ni Toni at rami nang kinikita, ang mother niya pa rin pala ang humahawak ng pera nila ng kapatid niyang si Alex. Si Alex ang nagkuwento na hindi na nila inaalam kung magkano ang kinikita nila ng ate niya basta nakikita naman daw nilang napupunta sa maayos ang lahat nang pinagpapaguran nilang magkapatid.
Crucial na laban ni Viloria, nasa Solar!
Magandang taon ang 2011 para kay Brian Viloria (30-3-0, 17 KOs). Inakala minsan ng lahat na tapos na ang career niya sa boxing pero naipakita ni Viloria na hindi ito totoo. Matapos maagaw ang IBF flyweight title kay Carlos Tamara noong 2010, bumangon agad si Viloria sa pamamagitan ng dalawang panalo noong taon ding iyon.
Tinalo ni Viloria si Julio Cesar Miranda noong Hulyo 2011 upang idagdag ang WBO Flyweight title sa kanyang sarili. Last quarter ng 2011, nakuha niya ang maituturing na biggest victory of his career nang talunin niya ang highly-ranked na si Giovani Segura sa eight round. At doon niya pinatunayan sa boxing world na andito siya at mas mahusay pa kaysa dati.
Karamihan sa boxing analysts ay nagsabing si Segura ay isang very tough nut para pataubin ng Pinoy boxer. Ang Mexican ay may tremendous punching power in both hands at hawak niya ang two knockout victories laban kay Ivan Calderon na tinanghal na best little fighter ng buong mundo. Pero pinatunayang muli ni Viloria ang kanyang husay. Ipinakita niya na ang kahinaan ni Segura ay speed nang talunin niya ito sa pamamagitan ng left hooks na naging dahilan ng hematoma na namuo sa kanang bahagi ng ulo nito.
Kinailangang ma-ospital si Segura nang ilang araw matapos siyang gulpihin ni Viloria.
Matapos ang napakalaking panalong iyon, plano ni Viloria na magpatuloy patungo sa bigger challenges pero kailangan muna niya talunin ang isang ghost in his part.
Sa April 1, idedepensa ni Viloria ang WBO flyweight title against Omar Niño Romero (30-4-2-12 KOs), isang kalaban na hindi niya natalo sa nakaraang dalawang laban. May kakaibang dating kay Viloria ang isang panalo laban kay Romero dahil ito ay magiging daan patungo sa isang mouth-watering unification showdown versus Herman ‘Tyson’ Marquez, ang reigning WBA flyweight champion.
Mapapanood lahat ng updated sa laban ni Viloria sa Solar Sports – Ch. 70 on Sky Cable, Ch. 35 on Destiny, Ch. 45 and Ch. 31 on Cable Link.