Natutuwa ang binata dahil napasaya niya ang mga bata na kanyang naging bisita kahit ilang oras lamang silang nagkasama. “It’s one of the best birthday feelings na puwedeng mangyari sa isang tao. ‘Yung nakikita ko silang kumakain ng Jollibee at nakikita ko silang sobrang natutuwa sa mga games. So ‘yung feeling na ‘yun sobrang panalo. Malapit talaga ako sa mga bata lalo na kapag ‘yung sobrang ka-close ko sobrang stress reliever sila,” paglalahad ni Gerald.
Ayon pa sa binata ay masarap daw talaga ang pakiramdam kapag nakatutulong ka sa kapwa. “’Yun ‘yung pinakamasarap na feeling. Kumbaga inilagay ako ni papa God sa isang posisyon para makatulong ako sa iba at sini-seize ko ‘yung mga opportunities na ‘yun. ‘Yung birthday wish ko is para sa kanila. Sana mas marami pa kaming mga ganito. Sana mas marami pa kaming gagawin na magkasama kami,” dagdag pa niya.
Samantala, isang espesyal na regalo raw ang natanggap ng binata mula kay Sarah Geronimo. “Binigyan niya ako ng Ipad. Sobrang sweet nga niya eh. As a friend grabe, sobrang special siya talaga para sa akin,” pagtatapat pa ng binata.
Christian hindi maligaya sa pagkanta lang, gustung-gusto nang umarte
Matagal-tagal na ring usap-usapan ang diumano’y plano ni Christian Bautista na paglipat ng TV network. Hanggang Agosto na lang daw kasi ang kontrata ng binata sa Kapamilya network. “Pinag-uusapan pa lang. I’m under contract with Channel 2 and I love ABS-CBN so I’m just waiting for them,” bungad ni Christian. “Tinatanong ko kung mayroon ba kayong projects na maibibigay sa akin . So ‘yon nasa negotiation pa rin,” pagtatapat ng singer.
Aminado naman si Christian na minsan ay napag-uusapan nila ng kanyang kampo ang mga iba pang posibilidad para mas mapabuti ang career ng binata. “Siyempre minsan merong mga kuwentuhan para lang, ano na ang next direction natin. Basically dun tayo kung saan tayo kailangan, kung kailangan tayo, doon tayo. Ayokong mag-burn ng bridges, ayokong manakit ng tao. Siyempre I also have a career to protect so as a singer we only have ASAP. We can get ibang shows pero not as regular,” kuwento pa ni Christian.
Ayon pa kay Christian ay hindi naman daw siya naghahangad na makakuha ng lead role sa isang acting project. Okay lamang daw sa kanya na magkaroon kahit supporting role lamang. “Basta lang makita lang ulit ako ng tao. Importante ‘yung ipinapakilala. Sa ngayon kailangan ko pa,” giit pa ni Christian. Reports from JAMES C. CANTOS