SEEN : Trending topic gabi-gabi sa Twitter si David Archuleta dahil masipag mag-tweet ang kanyang Pinoy fans na hindi nakakaligtaan na subaybayan ang Nandito Ako, ang miniseries niya sa TV5.
SCENE : Walang naniniwala sa pahayag ni Genelyn Magsaysay na uuwi ng Pilipinas ang kanyang anak na si Ramona Bautista upang harapin ang kaso na nagdamay sa kanya bilang isa sa mga suspek sa pagpatay sa kapatid niya na si Ramgen Revilla.
SEEN : Ang tweet ni James Younghusband na patungkol sa sexual harassment case na kinasasangkutan ng kanyang team mates na sina Lexon Moy at Angel Guirado: “Preparation in Nepal for AFC Challenge Cup has been going really well so far. Shame there is people back home trying to bring football down. Should know the facts first before you judge people!”
SCENE : Ang statement ni Grace Ibuna na hindi niya papatulan ang mga patutsada ni Aleli Arroyo laban sa kanya, alang-alang sa pagmamahal niya kay Congressman Iggy Arroyo.
Marami ang humanga sa pagiging edukada ni Grace.
SEEN : May plano si Nadia Montenegro na magkontra-demanda kay Annabelle Rama dahil sa libel case na isinampa nito laban sa kanyang anak na si Ynna Asistio.
SCENE : Nag-aaral si Cloie Syquia sa Beijing, China at nami-miss niya ang pag-tweet dahil banned sa China ang Twitter at ang ibang mga social networks.
Excited na si Cloie na bumalik sa Pilipinas sa June upang maipagpatuloy niya ang naudlot na showbiz at modeling career.
SEEN : Kahapon ang 42nd birthday ni Gretchen Barretto. Lumipad siya sa Bhutan para sa taping ng bagong primetime show ng ABS-CBN, ang Princess & I. Susuportahan ni Gretchen sa Princess & I ang love team nina Enrique Gil at Kathryn Bernardo.
SCENE : Ilulunsad ngayong hapon si Vice Ganda bilang bagong celebrity endorser ng Belo Medical Clinic.
Hindi sisipot si Dr. Vicki Belo upang hindi niya ma-upstage si Vice Ganda dahil mas marami ang isyu na kanyang dapat sagutin.