^

PSN Showbiz

Annabelle Rama ipapakita sa publiko ang yaman

-

MANILA, Philippines - Ngayong Martes ng gabi, abangan ang pagsugod ni Annabelle Rama sa inaabangang lifestyle show na Powerhouse

Ang kanyang bahay sa Quezon City at ang kanyang buhay sa Cebu ang matutunghayan sa isang espesyal na one-on-one interview kasama ang award-winning host at anchor na si Mel Tiangco.

Lumaki sa isang bahay-ampunan, tila hindi kapani-paniwala na ang palabang talent manager ay pinalaki ng mga madre. Pero kahit gaano man siya katapang pagdating sa mga kaaway, anghel naman siya pagdating sa debosyon niya kay Sto. Niño.

Sa one-on-one interview ni Mel, babalikan ni Annabelle ang kanyang kabataan sa Cebu kung saan siya ipinanganak at lumaki. Ikukuwento niya ang hirap nang hindi kasama ang sariling magulang, ang kanyang pagiging dating bold star, at ang kanyang kuwelang pakikipagsapalaran sa Maynila sa ngalan ng pag-ibig sa “Elvis Presley” ng Pilipinas na si Eddie Gutierrez.

Buong pagmamalaki niyang ikukuwento kung paano niya hinabol at “niligawan” si Eddie. Mas makikilala rin si Annabelle sa kanyang mga nakakaaliw na kuwento kung paano nga ba maging celebrity mom sa kanyang mga sikat na anak na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez. Hindi lang ’yan, abangan din ang mga maaanghang na pasaring ni Annabelle sa kanyang mga kaaway.

Sa house tour, bubuksan niya ang kanyang modern-Asian home. Malawak at maaliwalas, marami sa mga kagamitan sa bahay ay galing pa sa Cebu. Pero ang agaw-pansin sa sala ay ang malaking altar kung saan nakalagay ang antigong Our Lady of Manaog statue ni Annabelle. Ipapakita rin niya ang kanyang nakakalulang designer bag collection na mistulang nasa isang department store sa rami ng kanyang mamahaling bags.

Kaya markahan na ang oras ng paghaharap nina Annabelle at Mel sa Power­house ngayong Martes, ika-walo ng gabi sa nangungunang news channel sa bansa, GMA News TV.

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

CEBU

EDDIE GUTIERREZ

ELVIS PRESLEY

KANYANG

MEL TIANGCO

NGAYONG MARTES

OUR LADY OF MANAOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with