Yogo mabilis na naunahan ang ibang child stars

Mukhang maraming napapatungang child stars si Yogo Singh. Hindi lamang sa pelikula at TV ang pinamamayanihan niya kundi pati product endorsements.

Mas maraming naunang batang artista sa kanya pero nakakapantay na siya sa kanila. Maaaring magkakasing-husay silang lahat pero baka naman mas madali siyang kausap kaya mas madali ang transaksiyon. Kung hindi, paano maipapaliwanag ang mabilis niyang pagsikat?

Toni at Gerald mabubuhay ng walang FB at Twitter

’Di lang naman sina Toni Gonzaga at Gerald Anderson ang walang Facebook at Twitter account, marami pa ring iba. Lahat sila can say na masaya sila at hindi naiintriga sa Internet. Hindi rin sila nagagawang awayin ninuman and vice versa.

Oo nga naman, bagama’t konbinyente ang pagkakaroon ng FB at Twitter dahil may link sa iba, lalo na ang mga artista, may disadvantage rin ang social networking sites. Bukod sa nagagamit ito ng iba kahit walang pahintulot ang may-ari, nagiging venue rin ito para mapakialaman ng iba ang buhay ng mga artista.

Hindi rin maganda para sa imahe ng artista ’yung ginagawa nilang pag-aaway-away at ’yung pagkukuwento ng mga bagay na dapat ay sila lamang ang nakakaalam.

Aljur, iwas-intriga lang

’Di lang marahil dala ng takot kay Robin Padilla kung kaya ’di na nagre-react si Aljur Abrenica sa ginawang pagtawag sa kanya ng ama ng kanyang ex-girlfriend na si Kylie ng bubuyog.

Baka ipinamamalas lamang niya ang pagiging maginoo para patulan ang pasaring ng kanyang biyenang hilaw. Sa halip, nagko-concentrate na lamang siya sa kanyang trabaho ngayon.

Wise decision, boy. Ipagpatuloy mo na lang ang ginagawa mo para iwas-intriga ka.

Show comments