Sarah hindi makatingin ng diretso kay Gerald

SEEN: Inalis ang sexy billboard ni Steff Prescott para sa isang men’s drink.

Wala na ang sexy billboard na dating nakalagay sa kanto ng East Avenue at EDSA, Diliman, Quezon City.

SCENE: Ang reklamo ni Raffy Tulfo na malabo ang reception ng mga programa ng TV5 sa Sky Cable.

SEEN: Casual na Vicki lang ang tawag ni Edward Mendez kay Dr. Vicki Belo.

May katuwiran si Hayden Kho, Jr. na pagselosan si Edward dahil mas bata at maganda ang katawan nito kesa sa kanya.

Parehong empleyado sina Hayden at Edward ng mga kumpanya ni Dr. Belo.

SCENE: Tungkol sa kambal na nagkahiwalay ang “bagung-bagong” kuwento ng Hiram na Puso, ang afternoon soap ng GMA 7 na nagsimula kahapon.

SEEN: Ginigiyera ni Jobert Sucaldito ang mga members ng Entertainment Press Society (Enpress) dahil hindi nominated sa best actor category ng Golden Screen Awards For Movies si Laguna Governor Jeorge Estregan.

Kaibigan ni Jobert ang gobernador at siya ang publicist ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

SCENE: Hindi dapat i-dignify ni Jose Manalo ang mga pasabog ng kanyang misis na si Annalyn tungkol sa isang personal na problema na hindi nararapat na isapubliko.

SEEN: Nasorpresa si Sarah Geronimo sa surprise appearance ni Gerald Anderson sa closing number niya sa Sarah G. Live noong Linggo.

SCENE: Hindi makatingin nang diretso si Sarah sa mga mata ni Gerald habang kumakanta siya.

Lantaran na ang pagtawag nina Sarah at Gerald ng “babe” sa isa’t isa kaya nagpuputok uli ang butse ng Kim Chiu-Gerald fans.

                                                 

Show comments