Kung pagbabasehan ang napanood ng publiko sa pilot episode ng first musical variety show ng Pop Princess na si Sarah Geronimo, ang Sarah G. Live, mukhang there is something special na sa pagitan ng singer-actress at ni Gerald Anderson who both admit na espesyal ang trato nila para sa isa’t isa.
Very vocal ang aktor sa pagsasabi na si Sarah ang kanyang inspirasyon ngayon at masaya umano siya kung anuman meron sila ngayon bilang magkaibigan (lang?).
Marami siyempre ang kinilig nang mapanood nila ang video nina Sarah at Gerald na kuha sa isang yate na maituturing na special post-Valentine date ng dalawa. Walang alam si Sarah na naroon na sa loob ng yacht si Gerald at sosorpresahin siya. More than the performance ni Sarah, mas kinilig at nag-enjoy ang mga televiewers sa ipinakitang footage kung saang aksidenteng tinawag na “babe” ni Sarah si Gerald na ikinagulat din ng huli.
Kung pagmamasdan ang kanilang mga kilos, walang alinlangan na mas malalim na ang pagkakaibigan ng dalawa kahit panay ang kanilang sabi na hindi pa sila at magkaibigan lang ang kanilang relasyon.
Samantala, kung very impressive ang suot ni Sarah sa kanyang opening number, hindi niya ito na-sustain sa iba niyang isinuot during the show. Looking forward pa man din ang kanyang mga tagahanga sa mga damit at ayos niya in the show considering na solo niya itong programa with the help of her co-host na si Luis Manzano at guest co-host that Sunday na si Derek Ramsay. Maganda, matangkad, at maganda ang katawan ni Sarah at magandang ayusan at bihisan. Ito ang kailangang bantayan ng kanyang fashion stylist.
Derek wala pang kongkretong offer mula sa Kapamilya
Dalawang mega blockbuster movies ang tinampukan ni Derek Ramsay noong isang taon, ang Praybeyt Benjamin na pinagsamahan nila ni Vice Ganda at ang The Other Woman na tinampukan naman nilang tatlo nina Anne Curtis at Cristine Reyes. Sa taong 2012, may bagong movie ang kasintahan ni Angelica Panganiban, ang drama-love story-horror na Corazon: Ang Unang Aswang with Erich Gonzales sa title role mula sa panulat at direksiyon ni Richard Somes at co-production ng Skylight Films at Reality Entertainment at matutunghayan in 100 theaters nationwide simula sa Marso 14.
Aminado si Erich na ang Corazon ang biggest break niya sa pelikula hindi lamang dahil siya ang nasa title role kundi in terms of acting and very challenging role kaya sobra ang kanyang pasasamat sa break na ipinagkaloob sa kanya considering na ang pelikulang ito ay sinimulan nung 2010 pa. Timing naman sa pagtatapos sa ere ng local version ng Mexican telenovela na Maria la del Barrio na tinampukan nila ni Enchong Dee. Thankful din si Erich sa pagiging supportive at gentleman ni Derek lalo na sa kanilang mga intimate and passionate scenes in the movie ganundin ng kanilang director na si Richard.
Kahit mismo si Derek ay aminado na itong Corazon ang pinaka-most challenging role niya so far at nagpapasalamat siya na siya ang kinunsidera para sa role na si Daniel.
Sa presscon ng pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang, walang kumpirmasyon na nagmula kay Derek tungkol sa napapabalitang paglipat nito ng TV network – ang TV5. While he admits na mahal niya ang ABS-CBN na siyang nagbigay ng break sa kanya sa telebisyon, wala umanong kongkretong project na alok sa kanya kaya kino-consider niya ang offer ng ibang TV network.
Richard haharap na sa action-drama
Hindi pa man nasisimulan noong isang taon ni Richard Gutierrez ang Survivor Philippines ay alam na niya ang kanyang sisimulang project pagkatapos ng latest season ng reality show kung saan siya ang host. Ngayong nagtapos na ang Survivor Philippines, haharapin naman ni Richard ang action-drama TV series na Rancho Paradiso (tentative title) kung saan niya makakapareha for the first time si Carla Abellana.
Excited si Richard sa kanyang bagong TV assignment dahil kakaiba ito sa mga naunang projects na nagawa na niya. Ang maganda pa nito, mabibigat at pawang dekalibre ang kanyang makakasama tulad nina Phillip Salvador, Mark Anthony Fernandez, Gloria Romero, Mark Gil, Robert Arevalo, Rio Locsin, at iba pa.
Ang actor-director na si Ricky Davao ang mamahala nito bilang director.