Hindi tumatanggi si Bea Binene anumang role ang ipagkaloob sa kanya.
Kaya lang minsang tumanggap siyang kontrabida ay may humatak ng kanyang buhok habang namimili siya sa isang mall. Galit ito dahil bad daw siya.
Pero hindi magagalit sa kanya ang mga manonood ng My Kontrabida Girl. Kapatid siya ni Aljur Abrenica dito na si ‘Joyce Bernal’ na ang pangalan naman ay ‘Chris Bernal.’ Boyfriend niya sa movie, ang ka-love team niyang si Jake Vargas at lihim ang kanilang relasyon pero may magbubunyag nito kaya magkakagulo sila.
Si Rhian Ramos ang gumaganap ng title role.
Second movie lamang niya ang My Kontrabida Girl at may malaki siyang role. Ang nagawa niyang pelikula tulad ng Panday 2 at Si Agimat at Si Enteng Kabisote ay parang nag-cameo lang siya. Bukod sa Tween Academy: Class of 2012, ito pa lamang ang masasabing full-length role siya.
Bukod sa pag-aartista, maraming gustong gawin at ginagawa ang 14 na taong gulang na Kapuso. Bukod sa pag-arte, nagbabalita siya sa GMA News TV kasama si Vicky Morales. Enjoy siya sa trabahong iyon.
Hindi niya pinababayaan ang kanyang home study program para hindi siya mahinto. Athletic din siya taking up wushu, wall climbing, at badminton. Balak niyang mag-aral ng scuba diving at wakeboarding.
Sa kanyang murang gulang, meron na siyang naitatag na foundation, ang Bea Binene Cares.
Enzo hahabulin ang career ni Rocco
Kahit sinasabi na ni Louise delos Reyes na mag-iisang taon na ang kanilang open relationship, matatag pa rin itong itinatanggi ni Enzo Pineda. Kakausapin daw muna niya ang batang aktres bago siya magsalita sa press.
Kasama si Enzo sa My Kontrabida Girl at kahit marami ang nang-iintriga sa kanila ni Rocco Nacino dahil marami itong project, ayaw padala sa intriga ni Enzo. Sapat nang aminin niyang magaling itong artista. Pero humahabol na siya.
May gagawin siyang pelikula na sa title pa lamang ay alam mo nang isang love story (Just One Summer). Bukod sa endorsement niya ng Jollibee at Chowking, magiging bahagi rin siya ng Bench Body.
Chariz abala sa kanyang kasal
Nasa plano ni Chariz Solomon ang pagpapakasal sa taong ito. Bago matapos ang 2012 ay sinisiguro niyang mag-aasawa na siya.
Kasama rin si Chariz sa My Kontrabida Girl bilang PA ni Rhian Ramos.
May isa pang role si Chariz pero ayaw niyang sabihin kung ano, sa pelikula na lang malalaman.
Sa simbahan sila magpapakasal at isa sa mga tatayong sponsors nila ang mag-asawang Tirso at Lyn Cruz. Kasama rin sina LJ Reyes, Jennica Garcia, at Bela Padilla.
Basil Valdez feel gayahin ng magkapatid na singer
Naging topic sa presscon ng J Brothers’ Jamming, isang concert at album na gagawin ng magkapatid na musikerong sina Jim at Jay Jimenez at ang beterano at hanggang ngayon ay patuloy na tinatangkilik ng marami na si Basil Valdez. Humahanga ang magkapatid sa patuloy na pamamayani ni Basil sa music world.
Patunay dito ang bagong album niya na bagama’t mga revivals ang nilalaman ay ginamitan ng mga bagong areglo at bagong bersiyon ni Basil. Ganitong career path ang gustong tahakin nina Jim at Jay na hanggang ngayon ay patuloy sa kanilang pagbibigay ng magagandang musika sa mga palabas sa Cowboy Grill.