^

PSN Showbiz

Ali Sotto nag-resign sa GMA 7

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Noong Friday kumalat ang balitang nag-resign sa programa niya sa GMA News TV Channel 11 na Personalan si Ali Sotto. Pati ang offer ng News & Public Affairs ay hindi rin nito tinanggap.

Ang sabi, baka pagod na ito at may nagsabi namang aalis ito at dadalawin ang anak na nagtatrabaho sa abroad. Puro haka-haka lang ito dahil wala pang lumalabas na totoong rason kung bakit nag-resign sa kanyang show si Ali.

Nabalitaan din namin na itutuloy ng GMA News TV Channel 11 ang Personalan dahil positive ang feedback ng mga viewers at nakakatulong sa mga may problema.

Buhok ni Jake pinayagang paputulan ni Kuya Germs

Pumayag na si German Moreno na magpagupit ang talent niyang si Jake Vargas dahil sa ibinigay na rason ni Joey Abacan, na obviously, kanyang nagustuhan. Kundi pa magpapagupit, baka abutan ni Jake ang haba ng buhok ng ka-love team niyang si Bea Binene.

Sunud-sunod ang project ng magka-love team dahil may Tween Hearts na sila, may Alice Bungisngis and Her Wonder Walis at mapapanood pa sa pelikulang My Kontrabida Girl. Ang tawa ni Bea nang banggitin namin na mabuti pa sa TV at movie, may relasyon sila.

Nabanggit ni Bea na natawa siya nang malamang Joyce Bernal ang name niya sa My Kon­trabida Girl dahil alam niyang pangalan ito ng sikat at magaling na direktor. Hindi pa lang niya nami-meet ang director.

Ibinalita rin ni Bea na magiging straight ang hair niya sa Alice Bungisngis, pero for one night lang at babalik sa pagiging mala-walis sa tigas. Pero isa yata ang buhok sa rason kung bakit hataw ito sa ratings, kaya pabayaan na natin.

Istorya ni Annette Gozon inayos ni Direk Jade

Narinig naming kinausap ni Joey Abacan si Direk Jade Castro after ng presscon ng My Kontrabida Girl at kinukuha for another project. Sagot ng direktor, kausapin ng GMA Films ang manager niyang si Dondon Monteverde pero okay sa kanya to work again with the film company dahil naging maganda ang working relationship niya doing My Kontrabida Girl.

Inamin ni Direk Jade na may pressure sa kanyang tapusin ang My Kontrabida Girl dahil sa pinagdaanang kontrobersiya ni Rhian Ramos. Nakita niyang apektado ito sa isyu pero sa harap ng ca­me­ra, kinalimutan nito ang problema at nagtrabaho ng maayos at ginawa lahat ang ipinagawa niya.

Sabi pala ni Direk Jade, original concept ni Atty. Annette Gozon-Abrogar ang My Kontrabida Girl, inayos na lang niya ang story at mga karakter. Sa March 14, ang showing ng pelikula, March 12, ang premiere night sa SM The Block.                                                        

Julie Anne ’di iiwan ang pagkanta

Tiniyak ni Tracy Garcia na sa March 9 na ang first shooting day ng Just One Summer, ang launching movie nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona na ididirek ni Mac Alejandre.

Inalam namin kung sino ang mga makakasama nina Elmo at Julie Anne, pero wala pang masabi si Tracy at kumakausap pa sila ng mga artista. Sina Enzo Pineda, Sef Cadayona, at Lexi Fernandez ang nabanggit.

Tuwang-tuwa si Julie Anne sa blessings na dumarating sa kanya, lalo na ang pelikula dahil gusto rin niyang umarte.

“Pero ’di ko iiwan ang singing, nabubuhay ako sa musika,” sabi ng young star.

vuukle comment

ALI SOTTO

ALICE BUNGISNGIS

ALICE BUNGISNGIS AND HER WONDER WALIS

BEA

DAHIL

DIREK JADE

JOEY ABACAN

JULIE ANNE

MY KONTRABIDA GIRL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with