MANILA, Philippines - Si Mayor Reynaldo S. San Pedro (kaliwa) ng Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan na naka-thumbs up na sinabayan pa ni Junne Quintana matapos hiranging pinuno ng Tanggapan ng Sining at Kultura ng lungsod ang huli. Magsisilbi ring executive assistant to the mayor on Arts and Culture ang entertainment writer na isa ring talent manager at concert director. Si Quintana ay kasalukuyang first vice president ng ALIW Awards Foundation at nagtapos sa University of Santo Tomas.