Agree ako sa sinabi ni Cesar Montano na hindi malulutas ang problema ng piracy sa Pilipinas kung hindi magkakaroon ng disiplina ang ating mga kababayan na patuloy na tumatangkilik sa mga illegal na kopya ng DVD at CD.
Talamak sa lahat ng sulok ng Pilipinas ang pagbebenta ng mga pirated movies. Sa Timog at Morato area lang sa Quezon City, malaya na inilalako ang mga pirated DVD format. To think na nasa same area ang opisina ng Optical Media Board (OMB).
May dahilan din para ma-demoralize ang mga tauhan ng OMB dahil sa inasal ni P-Noy sa kaso ng isang government official na nakunan ng litrato habang namamakyaw ng mga pirated films.
Kung walang suporta ng pangulo ng Pilipinas sa OMB, paano pa gaganahan ang mga ahente na kumilos at hulihin ang mga vendors ng mga illegal na kopya ng DVD at CD?
‘May K akong MA-take 4 dahil hindi ako aktres’
Thirty-four years old pa lang ang direktor na si Jade Castro pero marami na siyang na-prove sa paggawa ng pelikula.
Si Jade ang direktor ng My Kontrabida Girl at in fairness to him, nagugustuhan ng film buff ang kanyang mga pelikula gaya ng Endo, Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington at My Big Love.
Likas na mahiyain si Jade pero bilang direktor ng My Kontrabida Girl, wala siyang choice kundi ang dumalo kahapon sa presscon ng kanyang pelikula.
Sina Rhian Ramos at Aljur Abrenica ang mga lead stars ng My Kontrabida Girl. Wala ang dalawa sa presscon pero kumpleto ang kanilang mga co-stars: Bea Binene, Jake Vargas, Chariz Solomon, Enzo Pineda, Bela Padilla, at si Kevin Santos na hindi ko agad nakilala dahil tumaba at mukhang tatay na.
Ipinakita kahapon sa presscon ang trailer at music video ng My Kontrabida Girl. Dapat ba akong ma-touch dahil pinalakpakan ng mga reporters ang eksena ko?
Hiningian ako ng message tungkol sa My Kontrabida Girl at dahil biglaan hindi ako nakapag-isip ng maayos.
Sinabi ko na lang na guwapo si Jade at guwapo rin ang kanyang cameraman. ’Daaay, may mga nagbigay ng malisya sa statement ko. Ang akala nila, nang-iintriga ako. Paano magiging intriga ’yon eh totoo naman ang siney ko na mga guwapo ang direktor at cameraman ng My Kontrabida Girl na nagdusa dahil “take 4” ang isang eksena na ipinagawa sa akin? Hindi ako na-guilty sa aking kapalpakan dahil hindi naman ako aktres ’noh! May “K” ako na magkamali!
Derrick at Julie Ann nag-blend ang mga boses
Sina Derrick Monasterio at Julie Ann San Jose ang kumanta ng magandang theme song ng My Kontrabida Girl.
Type ko ang theme song dahil sa magandang melody at lyrics nito. Maipagmamalaki nina Derrick at Julie Ann ang singing voice nila. Hindi nagkamali ang GMA Films na ipakanta sa kanila ang theme song ng pelikula nina Rhian at Aljur.
Magkakaroon ng press preview ang GMA Films para sa My Kontrabida Girl. Ako na ang nagsasabi na siguradong magugustuhan nila ang pelikula dahil sa feel good story kaya kung gusto ninyo na maging masaya at tumawa ng walang humpay, watch ninyo ang coming soon movie ng GMA Films.