Fiesta Shoppers Bazaar sisimulan ng Aliwan

MANILA, Philippines - Maraming mga artistang kahit sobrang busy sa ka­nilang showbiz commitments ay nagsisimula na rin bilang business entrepreneur sa pagtitinda ng kung anu-ano. Ang iba ay may mga stall na rin sa mga tiangge sa mall.

Hangad ng Manila Broadcasting Company na iangat ang antas ng showbiz entrepreneurs kaakibat ang sining at kultura sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-12 hanggang ika-14 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay City. 

Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nag­­titinda ng iba’t ibang produktong galing sa mga la­lawigan – maging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga non-government organizations na kasali sa kampanyang One Town, One Product ng Department of Trade and Industry ay inaasahang lalahok din sa ika-sampung taon ng Aliwan Fiesta.

Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono, 216-6022.

Show comments