GMA naka-tatlo sa Anvil

MANILA, Philippines - Nag-uwi ng tatlong parangal ang GMA 7 mula sa Public Relations Society of the Philippines (PRSP) sa ginanap na 47th Anvil Awards noong February 24 para sa mga dekalibre nitong public relations tools at campaigns.

Ang mga PR programs ng GMA na nagkamit ng Anvil Award of Merit ay ang EDSA 25th Anniversary campaign, ang campaign tungkol sa ika-150 kaarawan ni Rizal na Idol ko si Rizal, at ang GMA Christmas campaign na Saludo sa Puso ng Pinoy.

Ang EDSA 25th Anniversary Campaign ay kinatampukan ng mga ordinar­yong mamamayan na nagkaroon ng partisipasyon sa makasaysayang People Power Revolution. Ikinuwento nila dito ang kanilang karanasan 25 taon na ang nakalipas at kung paano sila hinubog ng kaganapang ito.

Mga taong may natatanging paghanga naman sa ating pambansang ba­yani na si Dr. Jose Rizal ang tampok sa Idol Ko Si Rizal. Buong pagmamala­king ikinuwento ng apat na modern day Filipinos kasama sina Cesar Montano, Howie Severino, Isabelle Daza at Jess Abrera kung ano at paano sila naimpluwensiyahan at pinahanga ni Rizal.

Bida sa Saludo sa Puso ng Pinoy ang mga pangkaraniwang Pilipino na may mga nakakaantig at espesyal na kuwento ng pagbibigay at pagmamahal na sumasalamin sa tunay na kahulugan ng Pasko.

Ang Anvil Awards ay kinikilala bilang Oscars ng PR profession na siyang kumikilatis sa pinakamahuhusay na campaigns at programs sa larangang ng public relations.

Show comments