Hindi pag-aartista ang piniling propesyon ng anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Iggi Boy. Naimpluwensiyahan marahil ito ng kanyang ina kaya culinary ang pinag-aralan. Nagbukas na ito ng sarili niyang restaurant sa BF Homes Parañaque. Ito ay makaraang makakuha siya ng karanasan sa pagtatrabaho sa mga restaurants after his graduation.
Sa halip na makaapekto sa kanya ang ginawa niyang pag-aasawa ng maaga, tila mas nag-inspire pa ito sa kanya para siya mas magpursige. With his wife and two kids as his inspiration, Iggi Boy is on the road to success.
Sigurado ako na ang achievement ng kanilang panganay ay nagbibigay ng happiness to both Aga and Janice na kahit hindi nagkatuluyan ay nananatiling mabuting magkaibigan.
Tickets sa concert nina Jose at Wally nagkakaubusan na
Ang dami pang gustong manood ng concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart Araneta Coliseum sa Biyernes, pero sadly wala nang mabiling ticket.
Napakasuwerte naman ng dalawang Dabarkads na ito. Ang daming nagko-concert na hindi mapuno ang venue nila pero ang dalawa na dati ay sa Zirkoh lamang nagdadala ng tao ay tiyak nang pupunuin ang napakalaking coliseum sa Cubao. Biruin n’yo?
Oscars, good example sa award-giving bodies
Nakapanood ako ng mga kaganapan sa Oscars sa TV at muli naiinggit ako sa ginagawang effort ng maraming artista na magpatalbugan sa red carpet. Ang gaganda nila! Wish ko tuloy na makakita ako kahit man lamang ng maliit na porsiyento na ganito karangal na awards night dito sa atin.
Tinatawagan ko ang pansin ng mga magsasagawa ng paparating na Star Award For Movies, ang pinakaunang magbibigay parangal sa mga natatanging pelikula na ipinalabas nung 2011. Hindi ko hinihiling na i-duplicate n’yo ang mga kaganapan sa Oscars pero sana naman ay magawa n’yong maimbitahan ang mga sikat nating bituin sa inyong awards night at mapapunta n’yo sila na nakabihis ng bonggang-bongga.