Ipinadala sa akin kahapon ng GMA Artist Center ang statement ni Bela Padilla tungkol sa kontrobersiya ng kanyang pictorial para sa March edition ng FHM.
May mga bumatikos kasi sa cover pictorial ni Bela dahil sa mga black girls na nasa background niya. May mga nagsabi na racist ang cover kaya pinalitan ito ng FHM staff. Hindi biro ang mag-recall ng magazine cover dahil malaking gastos ito sa parte ng publisher.
Heto ang statement ni Bela na nagmula sa GMA Artist Center:
“In reference to the negative reactions of some quarters regarding my very first cover pictorial for FHM, I would like to issue this statement.
“It was never the intention of anyone behind the production to offend anybody. The concept has been agreed upon both by FHM and myself. The collaboration was purely artistic in nature and there was no malice involved upon its execution.
“I would like to personally apologize to those who may have been offended by the cover feature. Let me repeat, we never want to offend anybody. FHM and I agreed that FHM management will be undertaking some changes on this particular cover so that this issue of alleged racism will be put to rest.
“Thank you very much.”
Robert Seña at Isay Alvarez nakakakilabot bumirit
Dinalaw ko kahapon sa Heritage Park, Taguig City ang puntod ni Rudy Fernandez bago ako nagpunta sa libingan ng mga magulang ng aking best friend na si Jenny Napoles.
Kahapon ang fourth death anniversary ng nanay ni Mama Jenny at taun-taon ay hindi siya nakalilimot na gunitain ang kamatayan ng kanyang ina.
May short program na inihanda at ang mag-asawang Isay Alvarez at Robert Seña ang mga inimbitahan na mag-perform.
Naabutan ko ang rehearsal nina Isay at Robert. Nakakakilabot ang husay nila sa pagkanta dahil walang ka-effort-effort ang kanilang pagbirit. Nakakabilib ang singing talent ng mag-asawa ha?
Mga anak nina Paolo at Lian may sibling rivalry agad
Invited ako sa joint birthday celebration ng magkapatid na Xonia at Xalene sa darating na Linggo, March 4.
Gaganapin ang birthday ng The Sisters sa isang hotel sa Quezon City na hindi kona sasabihin ang name para hindi mapuntahan ng mga gatecrashers.
Bago kayo mag-dialogue ng the who, sina Xonia at Xalene ang mga anak nina Paolo Contis at Lian Paz. Isang taon lang ang pagitan ng edad ng mga bagets kaya one year old na si Xalene at two years old ang kanyang Ate Xonia.
Cute ang imbitasyon ng magkapatid dahil imbes na litrato nila, caricature nina Xonia at Xalene ang nakalagay.
“Please come to my celebration,” ang sey ni Xalene at “No! Go to mine!” ang protesta ni Xonia.
Brilliant mind ang nakaisip sa concept ng imbitasyon na binigyan ng sibling rivalry ang mga inosenteng magkapatid.
Pinagsabay nina Paolo at Lian ang birthday celebration ng kanilang mga anak dahil hindi nagkakalayo ang petsa ng kaarawan ng The Sisters.