^

PSN Showbiz

Broken Vow pumalo sa ratings

-

MANILA, Philippines - Naging mataas ang rating ng Broken Vow ng GMA Network.

Hindi lang sa Luzon at Mega Manila patok na patok sa mga manonood ang orihinal na drama series kundi pati na rin sa mga lunsod sa buong bansa.

Ito ang sinasabi sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.

Batay sa average household data sa National Urban Philippines mula Pebrero 6 hanggang Pebrero 17, ang programa ay nakapagrehistro ng 38.3 share points. Ito ang bumubuo sa 77 porsiyento ng kabuuang television household sa buong bansa.

Patuloy ang pamamayagpag ng Broken Vow sa Mega Manila na bumubuo sa 56 porsiyento ng kabuuang television household sa buong bansa.

Nasa direksyon ni Gil Tejada Jr. ang Broken Vow na nagpakilala sa bagong tanden nina Luis Alandy-Bianca King at Gabby Eigenmann-Rochelle Pa­ngilinan.

Budoy malapit nang mag-goodbye

Huling dalawang linggo na ng Budoy na pinagbibidahan ng Drama Prince na si Gerald Anderson. Mula nang umere ito noong Oktubre 2011, sinubaybayan ng mga manonood ang karakter ni Gerald na gabi-gabing nagpapangiti, nagpapaluha, at nagbibigay inspirasyon sa buong pamilya. Ngayong linggo, tunghayan ang mga makapigil-hiningang eksena sa pagtakas nina Grace (Mylene Dizon) at Henry (Cris Villanueva) kasama sina BJ (Enrique Gil) at Jackie (Jessy Mendiola).

Ano ang gagawin ni Budoy para mabawi ang pinakamamahal niyang si Jackie at kapatid na si BJ?

Magtagumpay kaya si Grace at Henry na makaalis ng bansa?

Paano haharapin ni Budoy ang mga problemang pinagda­da­anan sa kabila ng kaniyang sakit?

vuukle comment

AUDIENCE MEASUREMENT

BROKEN VOW

BUDOY

CRIS VILLANUEVA

DRAMA PRINCE

ENRIQUE GIL

GABBY EIGENMANN-ROCHELLE PA

GERALD ANDERSON

GIL TEJADA JR

MEGA MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with