Shooting ng Bourne Legacy, solusyon sa grabeng traffic

Tuloy pa rin ang shooting ng The Bourne Legacy sa bansa. Kahapon, sa harap ng aming opisina (Star Group of Publications) sa Port Area Manila du­mayo para kunan ang ilang eksena na nagmo-motor ang bidang si Jeremy Renner.

Ang nakakagulat, parang nagsawa na yata ang mga tao sa kakausyoso. Marami pa rin nakikinood, pero hindi na traffic nang dumating ako sa harap ng office namin. Mas maluwag nga eh. 

Hmmm, parang ang shooting yata nila ang solusyon sa traffic dito sa may bandang Port Area?

O nabawasan na kaya ang interes ng iba dahil more than a month na silang nasa bansa?

Pero may konting ulan kahapon kaya naistorbo ang shooting na isang eksena lang yata dahil ilang oras lang sila nagtagal at ayun nag-pack up na agad na hindi man lang namin nasilip ang Hollywood actor na bida.

Nadulas Sarah babe na si Gerald

Nadulas si Sarah Geronimo sa unang episode ng Sarah G. Live. Babe na pala ang tawag niya kay Ge­rald Anderson.

Ibinuko kasi sa nasabing programa na nag-date sa yacht ang dalawa with matching pahawak-hawak pa ang pop princess sa actor.

So mukhang sila na nga.

Makikipag-tsikahan si Gerald ngayong araw kaya malalaman kung ano na ba talaga ang status ng relasyon nila ni Sarah.

Speaking of Sarah, maraming nag-abang sa kanyang Sarah G. Live last Sunday. Ang suggestion lang ng mga nanood, sana raw mas maraming musical number si Sarah at ‘wag na ‘yung may participation ang audience dahil ginagawa na ‘yun sa Gandang Gabi Vice. Though si AiAi delas Alas naman ang ka-join sa nasabing portion na kasama ang audience.

Pero no doubt na carry ni Sarah na magdala ng sariling show. Mahusay kumanta at sumayaw ang pop princess at plus factor ang ganda niya at kaseksihan niya na-develop lalo yata nang pumasok sa buhay niya si Gerald.

Luis nagpa-impress sa DEAL OR NO DEAL

Isa pang nagpa-impress sa pagho-host ay si Luis Manzano sa Deal or No Deal na nagsimula last Saturday sa ABS-CBN. Kayang-kaya na nga niya ang ginagawa ng kanyang amang si Edu Manzano.

Kung sabagay nahasa na si Luis sa pagho-host noon pa kaya siguro expert na siya. 

Bukod sa The Deal or No Deal, co-host din si Luis sa Sarah G. Live.

Best picture ng Oscars na-pirate na?

Marami nang naghihintay na ipalabas sa bansa ang pelikulang The Artist, ang kapapanalong Best Film sa Oscars. Isang silent and black and white ang movie na ipinalabas na sa abroad noon pang isang taon.

Kaya lang siguradong hindi ito maa-appreciate ng mga Pinoy audience dahil silent movie. Imagine walang dialogue. Kalowka. Hindi na nakasanayan ng marami sa atin ang manood ng ganung pelikula though nag-umpisa sa silent movie ang mga pelikula noon.

Kelan kaya ipalalabas ang The Artist (French movie) na isang romantic comedy drama sa bansa? 

Bago sa Oscars, una nang nanalo ng walong awards ang pelikula sa Golden Gloves.

Pero may isang nagsabi na na-pirate na raw ito.

Oh no. Hindi pa nga napapalabas sa mga sinehan na-pirate agad? ’Asan ang OMB (Optical Media Board)?

Show comments