Kung sino man ang nagbibigay ng advice sa anak ng Megastar, dapat maiparating niya kay KC Concepcion na bago ito magpa-sexy ay dapat magpapayat muna siya ng kahit kaunti man lang. She looked so huge sa kanyang dance number sa ASAP. Kung sino man ang nagsabi sa kanya na okay siya sa ganung katawan ay nagsisinungaling.
Okay na ’yung cover niya sa isang mag dahil nakatalikod lang siya, nakaupo, o nakahiga, pero sa ASAP where her whole form was displayed ay nakitang talagang kailangan niya pang magpapayat.
Ito naman ay kung talagang kailangan niyang makipagsabayan sa mga ibang skinny-sexy na artista ha? Otherwise, okay naman siya. Okay na ang big bones niya sa kanyang pagho-host, pag-arte sa TV, o pelikula pero hindi sa paglabas sa cover at maging sa inside pages ng men’s magazines at lalo na ang pagsasayaw ng naka-‘tanga’ sa TV.
Boyet de Leon napabilib kina Piolo at Echo
Number one critic pala ni Christopher de Leon ang kanyang inang si Lilia Dizon. Wala siyang palabas na hindi nito pinapanood, pelikula man o telebisyon. Nang mabasa ni Boyet ang script ng Dahil sa Pag-ibig ay agad niya itong inirekomenda sa kanyang ina, kaya ngayon pa lamang ay excited na itong mapanood ang series na sa cast pa lamang ay alam mo nang isang magandang panoorin.
Nakadagdag pa rin ito sa madaling pagtanggap nito ng offer from the Kapamilya Network na makasama rin siya sa teleserye.
“First week pa lamang ng taping namin ay nagulat na ang management nang mapanood ito. Nakita nila ang kagandahan nito at ang potensiyal na aabangan ito ng mga manonood. Bukod sa cast talagang maganda ang istorya nito, tungkol sa isang pamilya na pinamumunuan ng isang mabait na asawa at ama,” sabi ng premyadong aktor sa bagong teleserye.
Sa maintrigang kuwento ng dalawang karakter na may magkaibang paniniwala iinog ang isang magandang kuwento ng pag-ibig na bubuuin ng kanyang dalawang anak, ang tunay niyang anak na babae (Cristine Reyes) at ng kanyang ampon (Piolo Pascual).
Sa kabila ng matagal na panahon na siyang artista at kinikilala na rin sa larangang ito, malaki ang paghanga ni Christopher sa mga kasamahan niyang mga batang artista.
“Focused sila sa kanilang trabaho, dumarating sila sa set na alam na alam na ang gagawin nila. Napaka-disiplinado nila, nakaka-inspire nga sila sa mga katulad kong matagal na sa trabahong ito. Nung panahon ko ’di pa tapos ang shooting, lasing na ang mga kasamahan ko.
“This doesn’t only apply to Piolo, Cristine, at Echo (Jericho Rosales) na kasama ko sa series, kundi sa maraming artista na nakasama ko na. Malayo ang mararating ng mga bago at kabataang artista ngayon. I’m proud just to be working with them. Nabibigyan nila ako ng drive to be part of their generation,” sabi ni Boyet at idinagdag na wala pa siyang nakakatrabahong bagets na unprofessional.
Sarah G. nakakamangha
Tunay namang naging kaabang-abang ang kauna-unahang episode ng Sarah G. Live. Sa opening number pa lamang ay kamangha-mangha na ang ginawa ng pinakabatang pop royalty. Pinatunayan nito ang kanyang ’di matatawarang galing bilang isang total performer. Wala naman pala siyang dapat ikabahala sa kanyang pagho-host ng sarili niyang show, bukod sa kayang kaya naman niya ang trabahong ito, andun si Luis Manzano para suportahan siya.
Hindi nagkamali ang ABS-CBN na gawin itong co-host niya. Talagang sinuportahan siya nito at hindi inagawan sa limelight. In fact, he made her shine.
What’s amazing sa Sarah G. Live ay hindi na kailangan ng mga fans niya na maghintay ng matagal para lamang makapanood ng concert niya. Talagang ginawang isang concert on TV ang kanyang musical show where she is able to showcase not only her talent in singing and dancing, but the audience also gets to see her wearing the most beautiful gowns and performing with the best people showbiz can offer. Maipapangako niya ito linggu-linggo sa tulong ng kanyang musical director na si Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, director Erick Salud. Kasama rin sa show ang G Force at si Gab Valenciano.