Hindi pala agad naniwala si Marian Rivera na kasali siya at No. 9 pa sa Top 10 International Beauties of 2012, kaya hindi agad nag-react. Masaya ito sa panibagong karangalang ibinigay sa kanya at pareho na sila ni Dingdong Dantes na isa sa 2008 Sexiest Man ng E!
Pati nga sina Rhian Ramos, Ynna Asistio, at Liz Uy, gandang-ganda kay Marian. Nakakatuwa ang tweet ng huli na bagay kay Marian ang sabihing “ganda lang” dahil kahit walang makeup at borloloy sa mukha, lumalabas pa rin ang ganda.
Samantala, ’wag magugulat ang fans ni Marian kung sunud-sunod na projects ang gawin nito next year. Binigyan nito ng pahintulot ang manager niyang si Popoy Caritativo na pagurin siya by accepting more projects. Nasanay na ang katawan ng aktres sa heavy work sa Amaya kaya kahit mabibigat din ang eksena sa My Beloved ay magaan pa rin kumpara sa hirap niya sa Amaya.
The Road may sariling PR sa Amerika
Sabi ni Direk Yam Laranas, tumalon at nag-high five sila ni Atty. Annette Gozon-Abrogar sa tuwa nang kumpirmahin sa kanila ng Freestyle Releasing na mare-release commercially at sa mainstream theaters sa States ang The Road.
Kinuha ng GMA Films ang Protégé PR group para tumulong sa release ng movie sa States at Canada simula May 11. Natutuwa si Direk Yam dahil bago kumilos ang Freestyle Releasing, kinukunsulta sila at siya at ang mga producers ang may final say sa gagamiting poster.
Sa March 6, ang alis for the States ni Direk Yam para magdala ng ilan pang kailangan sa showing ng movie at para asikasuhin ang red carpet premiere sa May 9. Sa presson ng The Road, nabanggit nitong hindi na sa Mann Chinese Theater sa Los Angeles ang premiere night, kundi sa isa sa mga venues sa LA Live.
Sa GMA Films pa rin ang next movie ni Direk Yam, wala pa siyang maikuwento dahil nasa kawali pa at niluluto pa lang.
“I promise them my next project, more suspense siya at very scary,” sabi ng direktor.
Arci nagtitiis sa prosthetics para maging ‘pusa’
Sa pamamagitan ng cell phone ni Jun Lalin, nag-sorry si Arci Mu?oz sa press people na dapat mag-i-interview sa kanya. Delayed ang flight ng aktres from Boracay pabalik ng Manila, kaya hindi nakahabol sa interview.
Sabagay, na-promote pa rin ni Arci ang pinagbibidahang Felina, magpa-pilot ng 3:45 p.m. this Monday sa TV5. Nagiging pusa ang role niya rito at kailangan niyang lagyan ng prosthetics, mag wig at magsuot ng contact lens, mahirap, pero kailangang magtiis ang dalaga’t launching project niya ito.
Magiging busy si Arci dahil may gagawing pelikula sa Viva Films at magre-record ng album sa Viva Records. Katulong ni Annabelle Rama si Vic del Rosario ng Viva Entertainment sa pagpapasikat kay Arci, kaya hintayin natin ang pagbulusok niya paitaas.