^

PSN Showbiz

Iza napunitan ng leggings habang sumasayaw pero nasapawan ng dalawang anak ni Ruffa sa Twitter!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ngek, napunit ang black leggings na suot ni Iza Calzado nang mag-split siya sa production number ng ASAP Rocks kahapon! Yup, as in super wardrobe malfunction. Pero itinuloy ni Iza ang pagsayaw.

“Omg!!!!!!!! Major wardrobe malfunction! My leggings ripped when I did my split! Buti na lang no more lifts after :p Thankful for wide shots,” sabi niya sa Twitter account kahapon.

“Sabi nga sa akin Ng Tatay Ko (the late choreographer Lito Calzado). ‘The show MUST go on!!!’ I’m really glad the shot was far. Thank you God and thank you Mr. M (Johnny Manahan).”

Pero hindi nag-trending si Iza sa Twitter. Mas nag-trending pa ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez na sina Venice and Lorin na for the first time ay sumayaw sa ASAP kasama ang tatlong anak ni Janice de Belen.

TF ni Martin sa Kapamilya nag-increase!

Tuluy-tuloy na pala ang pagbalik sa ere ng Martin After Dark ni Martin Nievera sa ABS-CBN.

Say ng source, isa ang nasabing programa sa pinirmahang bagong kontrata ng Concert King sa ABS-CBN.

Bukod sa pagbabalik ng Martin After Dark, balitang bumongga rin ang talent fee ni Martin sa Kapamilya Network nang mag-renew siya ng contract.

Kaya naman pala hindi siya naengganyong lumipat sa TV5 kahit triple ang offer na talent fee.

Teka bakit hindi si Pops Fernandez ang kunin ng TV5 eh wala siyang trabaho ngayon? Hindi rin naman siya lumalabas sa mga shows ng ABS-CBN and GMA 7.

CONCERT KING

IZA

IZA CALZADO

JOHNNY MANAHAN

KAPAMILYA NETWORK

LITO CALZADO

MARTIN AFTER DARK

MARTIN NIEVERA

MR. M

NG TATAY KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with