Film company nakikipag-negotiate sa TV exec na nag-retire

Nakitang nagdi-dinner sa Shangri-La Hotel last week ang isang producer at controversial TV executive. Walang ibang kasama ang TV executive sa dinner na ‘yun at walang nakalapit sa kanila, kundi waiters, kaya hindi alam kung ano ang kanilang pinag-usapan.

Inisip ng mga nakakita na baka kinukuha ng producer ang TV executive para sa kanyang film company. Pero nang makausap ang producer, ang sabi’y, hindi work related ang pagkikita nila at niyaya lang niyang mag-dinner ang TV executive.

Pero malay din natin lalo’t libre nang tumanggap ng trabaho ang TV executive, para maiba, sa film company naman siya mag-work.   

Julie AnnE hindi pa ready na makipag-BF

Siguradong tututukan ng maraming fans ni Julie Anne San Jose ang una niyang  paglabas sa Tween Hearts mamaya. Ginagampanan niya ang role ni Mira, singer na makaka-duet ni Jake Vargas at gagawin silang magka-love team sa recording.

Kahit one month lang maggi-guest si Julie Anne, tiyak na aalma ang fans nila ni Elmo Magalona at ang fans nina Jake at Bea Binene lalo na ang JuliElmo fans dahil malapit nang simulan ni Direk Mac Alejandre ang launching movie nilang Just One Summer sa GMA Films.

Si Julie rin ang kakanta ng theme song ng movie nila, ang remake ng Bakit Ba Ganyan? at isasama sa 10-track album niya sa GMA Records. Na-record na ang song last week, sabay ng theme song ng My Kontrabida Girl  na Sa Aking Puso na duet nila ni Derrick Monasterio at pinapalabas na ang music video.

Turning 18 si Julie Anne sa May 17, hindi pa rin niya nakikita ang sarili na magkaka-boyfriend at si Elmo ay love team lang niya at hindi manliligaw. Ang crush ng dalaga ay sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, at Richard Gutierrez.

Direk Yam gustong bitbitin lahat ng artista ng The Road sa Amerika

Hindi alam ni Renz Valerio kung isasama siya ng GMA Films sa Los Angeles para sa red carpet premiere ng The Road, pero pinag-a-apply daw siya ng visa. May passport na ang bagets, pero Singapore at Malaysian pa lang ang napuntahan niya.

Kung si direk Yam Laranas ang masusunod, gusto niya kasama ang buong cast na dadalo sa red carpet premiere dahil hahanapin daw ang mga ito. Mas maganda raw kung makikita ng personal ng manonood ang mga gumaganap sa pelikula, eh, importante pa naman ang role ni Renz as the young Luis.

Wala pang next soap si Renz, sa My Chubby World pa rin siya napapanood.

Martin at Kerbie wagi sa Gawad Tanglaw

May acting award na si Martin Escudero, siya ang best actor sa 10th Gawad Tanglaw para sa pelikulang Zoombadings: Patayin Sa Syokot Si Re­mington. Nanalo ring best supporting actor si Kerbie Zamora from the same movie, kaya proud managers sina Popoy Caritativo at Jonas Gaffud at ang Regal Entertainment, kung saan, parehong may kontrata ang dalawa.

Wala pa kaming alam na next movie ni Kerbie, pero kasama siya sa Valiente ng TV5. Si Martin naman, isa sa mga bida ng Viva Films movie na Moron 5 and the Crying Lady. Nabalitaan din naming nasa cast siya ng Desperados ng Regal at tampok sa Kapitan Awesome  ng TV5.

Show comments