Masaya na siguro ngayong naipagkaloob na kay Ruffa Gutierrez ang hinihiling niyang annulment from her former husband Yilmaz Bektas. Ilang taon din ang inabot bago siya pinagkalooban ng korte ng kalayaan. Bukod dito, sa kanya rin ipinagkaloob ang kustodiya ng dalawa niyang anak na babae, sina Lorin at Venice.
Kung kailan dalaga na muli si Ruffa at saka pa siya parang tinabangan sa pag-eentertain ng mga manliligaw. Katunayan, mas masaya siyang kasama ang dalawa niyang anak ngayon.
Louise nag-iisip ng fall back
Pinupuri ko si Louise delos Reyes dahil sa kabila ng kanyang kaabalahan sa kanyang work, hindi siya tumitigil sa kanyang pag-aaral. Marami kasing tulad niya na dahil kumikita na ay hindi na pinahahalagahan ang kanilang edukasyon. Huli na at wala na silang project bago nila naisip na hindi panghabang-buhay ang pag-aartista nila. Kailangang may fall back kapag wala ng project.
Dapat matuto ang maraming nag-aartista na gaano man sila kasikat bilang artista, kailangang may natapos silang edukasyon.
Betong pinasisikat
Mukhang si Betong ang lalabas na pinakasikat na Sole Survivor sa tatlong taong kasaysayan nito. Wala na ang 2nd Sole Survivor na si Akihiro Sato. Nagpasya nang sa Brazil mamalagi at magtrabaho. Nag-aartista pa rin si JC Tiuseco, pinaka-unang Sole Survivor, pero hindi pa ito nagga-graduate sa pagiging major leading man. Mabagal ang kanyang usad.
Samantalang si Betong, ay sunud-sunod ang pagtanggap ng mga projects. Dahil ba maganda ang PR niya? O mas pinapaboran ang komedyanteng aktor? Sana ’yung mga nakasabay niya ay mabigyan din ng good break.
Mga batang kontrabida OA na!
Maganda ang pagkakadagdag ng batang artistang si Barbara Miguel sa cast ng Biritera. Mas humirap ang buhay ng bidang si Roseanne Magan. Dala-dalawa na sila ni Sweet Ramos na kontrabida sa buhay ng Biritera girl.
Pero sana turuan ng mga nasa produksiyon na huwag namang maging masyadong OA ang dalawang batang kontrabida.
Hindi na sila nagiging natural.