Dahil sa 'pagbubuntis,' Pauleen nawalan ng endorsement?

PIK : Pinaghahandaan na ngayon ng GMA 7 ang bagong primetime soap para kay Richard Gutierrez. Kaya todo ang ensayo ng aktor ngayon bilang paghahanda sa gagampanan niyang role. Kaya sabi ni Tita Annabelle Rama, wala raw panahon ang anak niya sa mga intriga at kung anu-anong ibinibintang sa kanya dahil abala ito sa pag-e-ensayo sa Cebu.

May pinaghahandaan ding triathlon event ang aktor, kaya nagba-biking daw ito, tumatakbo at nagsi-swimming. 

Wala pang final na decision kung sino ang pipiliing leading lady, pero narinig naming si Sarah Lahbati daw ang posibleng makakapareha ni Richard.

PAK : Totoo kayang nanganganib na ‘di matuloy ang isang endorsement para kay Pauleen Luna dahil sa isyung buntis? 

Isang wellness product ang interesadong kunin siya pero nag-aalangan daw ito dahil sa nangyaring pagkahimatay ng actress/TV host at kumalat ang intrigang baka buntis ito. Pero nagtatanung-tanong naman daw ang ad agency tungkol sa intriga kaya pinag-iisipan pa rin nilang ituloy ang offer kay Pauleen.

BOOM : Kinumpirma sa amin ni Mommy Do­rothy Laforteza na baby boy ang ipinagbubuntis ngayon ni Sunshine Dizon. Tuwang-tuwa raw silang lahat dahil iyun talaga ang gusto nila para kumpleto na raw sila. 

Ang asawa raw ni Sunsine na si Timothy Tan ang pinaka-excited dahil baby boy naman daw talaga ang gusto nila.

Kaya iti-treat daw nito (Timothy) ang asawa (Sunshine) pati ang panganay nilang si Doreen Isabel sa Amerika at baka doon na rin daw nila isi-celebrate ang first birthday ni Baby Doreen.

Gusto na rin sanang bumalik ni Sunshine sa showbiz pagkatapos niyang manganak pero mukhang matatagalan pa ’yan dahil kakaririn pa raw niya ang pagpapapayat.

Show comments