'Nawawalang' aktres hindi nagtagumpay sa paninira

Hindi nagtagumpay ang isang has been actress sa kanyang paninira. Imbes na matakot daw kasi ang sinisiraan niya, ang tinatakot pa raw niya ang malamang na magsampa ng demanda laban sa kanya.

Ayon sa isang source, panay daw ang banta ng nasabing actress na hindi gaanong pinag-uusapan na kesyo ide-demanda niya ito o si ganito. Pero more on dakdak lang daw ito. Kaya ang mga sinisiraan na lang ang nag-iisip kung ang nasabing aktres na lang ang kakasuhan dahil sa paninirang-puri.

Wala raw kasing trabaho si aktres kaya aktibo sa kung anu-ano lang sa mga social networking sites.

Actress kumikita ng halos P200 million a year

Kumikita raw ng halos P200 million a year ang isang actress. Ayon sa nagkuwento, magaling daw kasing makipag-bargain ang manager ng actress kaya malamang by this time ay may mahigit isang bilyon na ang kinita ng actress.

Saka magaling daw maghawak ng pera ang pamilya ng aktres kaya malaki na rin ang ipon nito.

Bukod sa malaking kita sa TV at pelikula, malaki rin daw ang kita ng actress sa endorsements.

Pero hindi raw ito puwedeng habulin ng BIR dahil malinis ang record nito sa kanyang mga kinikita.

Bongga ha. Samantalang nang pumasok daw ito sa showbiz noon, nagkaproblema ito sa nauna niyang manager. Yup, pumirma siya ng kontrata sa isang fly by night manager ang actress kaya nag-lie low muna siya sandali. At nang maayos na raw ang dating manager, saka ito humataw. At heto siya ngayon, kumikita nga raw P200 million ayon sa isang source.

Danita hindi apektado sa awayan ng nanay at manager, kinikita diretso sa kanya

Hindi apektado si Danita Paner kahit hindi nag-uusap at may-away ang dating magkaibigan na sina Annabelle Rama at ang mommy niyang si Daisy Romualdez.

Siya na kasi ang nakikipag-negotiate sa manager at wala siyang problema. Pati sa talent fee, diretso na sa kanya at binibigyan na lang niya ang mommy at daddy niya ng pera.

Puro mga alahas at mga personal na gamit ang madalas niyang bilhin sa mga kinikita niya pero plano niyang bumili ng condo.

Eh kumusta naman sila ni JC (de Vera)?

Sagot niya, “Nagte-text kami. Masaya kaming friends.”

Magkakabalikan kaya sila? Ngiti lang ang sagot ni Danita na magbibida rin sa Isang Dakot na Luha, ang bagong afternoon serye ng TV5 na mag-uumpisa nang mapanood sa Lunes.

Three months na silang hiwalay at so far, pareho pa silang walang ipinapalit sa isa’t isa kaya hoping ang mga taong nasa paligid nila na any moment ay magre-reconcile sila.

Second boyfriend niya si JC. First niya si Kean Cipriano.

Anyway, halos dalawang taon na pala siya sa TV5. Three years ang pinirmahan niyang kontrata.

Pang-tatlo na rin niyang show ang Isang Dakot na Luha – nauna niyang ginawa ang My Driver, Sweet Love at Bangis.

Dream partner niya pala si John Lloyd Cruz na naalala niyang bigla nang mapanood niya ang Officially Yours kamakailan.

Kung magkakaroon ng chance, gusto rin niyang makatrabaho sina Coco Martin and Jericho Rosales.

Solar TV naghahanda na para sa 2012 London Olympics

Bagama’t ang most awaited sports spectacle ng taon ay six months away pa, 2012 London Olympics, ang Solar Entertainment Corporation, bilang Official Broadcaster of the 30th Olympiad, ay naghahanda na para sa bakbakan.

 Ang Solar Sports kasi ang mag-e-ere ng Olympic competitions 24/7.

Kaya habang papalapit ang 2012 London Olympics, may mga atletang kakatawan sa ating bansa ang puspusang paghahanda ang ginagawa at napapakahirap sa misyong magbigay ng karangalan sa ating Inang Bayan.

Ang Pilipinas pala ang unang sumali sa Olympics noong 1924 sa mga bansa sa South East Asia. Si David Nepomuceno, isang runner sa 100 meters sprints, ang naging kaisa-isang kinatawan ng bansa nang taong iyon. Ang kauna-unahan naman medalya ng Pilipinas ay napanalunan ng ating swimmer na si Teofilo Yldefonso – isang bronze sa 200-meter breast stroke event noong 1928 Olympics.

Sa ngayon ang mga Filipino athletes ay nakasungkit ng siyam na Olympic medals, two silvers at seven bronze. Ang pinaka matagumpay na pagsali ng bansa ay noong taong 1932 nang manalo tayo ng tatlong bronze medals. Ang masama nga lang, never pa raw tayong naka-gold.

Evidently, ang boxing pala ang pinakamalakas nating sport pagdating sa pag-produce ng medals. Ang dalawa palang silver medals ay napanalunan sa loob ng ring.

At kung mapapansin, ang dalawang silver medalist (Anthony Villanueva at Mansueto Velasco Jr.) ay parehong may mga kamag-anak sa parehong sport, na nanalo rin sa Olympics ng bronze medals sa magka-ibang taon.

Noong 1964 Tokyo Olympics, si Anthony Villanueva ay nag-compete sa featherweight division at nanalo ng silver medal matapos mabigong talunin si Stanislav Stepashkin ng Soviet Union. Ang kanyang amang si Jose Villanueva, na isa ring boxer at nanalo ng bronze sa 1932 Los Angeles Games.

Si Mansueto Velasco Jr., naman na mas kilala bilang Onyok, ay nanalo ng silver medal sa light-featherweight category sa 1996 Summer Olympics sa Atlanta. Ang kanyang nakakatandang kapatid na si Roel Velasco, isa ring light-featherweight, ay winner ng Olympics bronze sa previous Summer Olympics.

Show comments