Yoga instructor na nali-link kay Dra. Belo, super close rin kay LT, mommy pa ang tawag!

Yoga instructor din ni Lorna Tolentino si Al Galang, ang yoga instructor na nag-deny na may re­las­yon sila ni Dra. Vicki Belo.

“Mommy” ang tawag ni Al kay LT na hindi dapat bigyan ng malisya dahil halos ka-age ni Al si Rap Fernandez, ang panganay nina LT at Rudy Fernandez.

’Yun nga lang, mas mature ang face ni Al kesa kay Rap.

Kung mommy ang tawag ni Al, kay LT, “ Baby” naman daw ang term of endearment ng yoga ins­tructor kay Mama Vicki dahil baby ang nakalagay sa alleged love letter na inilabas ni Hayden Kho.

Pero mahirap nga na paniwalaan na para kay Mama Vicki ang love letter ni Al dahil hindi naman direktang nakalagay ang kanyang name.

Kahit sino eh puwedeng mag-claim na sila si Baby sa buhay ni Al ‘no!

Maniniwala ako na hiwalay na sina Mama Vicki at Hayden kung may bago na silang mga karelasyon na makikita natin na kasama nila at ipinapakilala sa kanilang mga kaibigan.

Pero hangga’t wala, malaki ang possibility na magkabalikan sila dahil hindi naman itinatanggi ni Mama Vicki na love pa rin niya si Hayden, kahit sinasabi ni Butch Francisco na motherly love na lamang ‘yon.

Grace Lee ayaw pagamit kay Angelicopter

Ayaw magsalita ni Grace Lee tungkol sa feud nila ng kapwa DJ na si Angelicopter na talent din ni Annabelle Rama.

Nagpaunlak si Angelicopter na magsalita kahapon sa Startalk via phonepatch at kinumpirma niya na may kinalaman ang gap nila ni Grace kaya natsugi siya sa kanilang radio program sa isang FM station.

Naging emotional si Angelicopter dahil napaiyak siya habang nagkukuwento tungkol sa iringan nila ni Grace.

Marami ang nag-wonder dahil tumanggi si Grace na magpainterbyu pero game na game siya noon sa pagsasalita tungkol kay P-Noy.

Sino ba naman si Angelicopter compared kay P-Noy? Matalinong babae si Grace.

Knows n’yo kung sino o hindi ang makakatulong sa kanya, in terms of publicity.

Danita first time sasabak sa dramahan

Hindi pa pala nakakapag-taping si Danita Paner para sa Isang Dakot na Luha, ang afternoon drama show ng TV5 na bukas na ang airing.

Ang sey ni Danita, inuuna muna na kunan ang mga eksena ng child actress na gumaganap bilang young character niya sa Isang Dakot na Luha.

Hindi pa nararanasan ni Danita na gumanap ng mga heavy dramatic role kaya nagkaroon siya ng acting workshop bilang paghahanda sa pagsabak niya sa mga eksena na madadrama.

 Hindi mahihirapan si Danita sa mga dramatic scene niya sa Isang Dakot na Luha dahil marami siyang mga sad experience na paghuhugutan ng emosyon.

Isipin lang niya ang break-up nila ni JC De Vera, siguradong maiiyak na siya o ang iringan ng kanyang nanay na si Daisy Romualdez at manager na si Annabelle.

In fairness kay Danita, hindi siya nagpapaapekto sa tampuhan ng kanyang madir at manager.

Nasanay na raw siya sa away-bati nina Daisy at Annabelle.

Show comments