Negosyo ng nanay ni Grace Lee pinapaboran?

SEEN : Binabatikos ang National Enquirer dahil sa paglalabas nila ng open casket photo ni Whitney Houston.

Nakita ng buong mundo ang bangkay ni Whitney na parang natutulog lang.

Scene : Ang pahayag ni Ynna Asistio na hindi ito natatakot sa libel na demanda sa kanya ni Annabelle Rama dahil wala raw siyang sinasabi na ibinubugaw siya ng kanyang manager.

Seen : Ang fans ni Nora Aunor sa Centennial Terminal na matiyagang naghintay sa pagdating kahapon ng aktres mula sa mahigit isang buwan na pamamalagi sa Amerika dahil sa pagpapagamot ng kanyang lalamunan.

Seen : Hindi pa masabi nina Wally Bayola at Jose Manalo kung gagawin nila sa kanilang concert sa Smart Araneta Coliseum sa March 2 ang Macho Guapito, ang production number nila na mabentang-mabenta sa audience.

Scene : May dahilan para maapektuhan ang Korean mother ni Grace Lee sa pagkakaugnay ng kanyang anak kay P-Noy dahil sa ilang miyembro ng media na iniintriga ang pagkakaroon niya ng grocery business sa Pilipinas.

Seen : Dapat ibalik ng TV5 sa early timeslot ang Juicy dahil wala nang nakakapanood nito sa bagong timeslot na 12:30 a.m.

Scene : Kagabi ang inaasahan na pagdating mula sa London ng labi ni Congressman Iggy Arroyo. Nakabantay ang media sa NAIA para sa coverage ng pag-uuwi sa bangkay ni Congressman Arroyo na naging kontrobersiyal dahil sa pag-aagawan sa kanya nina Grace Ibuna at Aleli Arroyo.

Show comments