Hindi true ang kumalat na tsismis noong Huwebes na nagkabalikan sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.
Walang katotohanan ang balita dahil final na ang decision ni Mama Vicki ko na hindi na siya makikipagbalikan kay Hayden pero puwede pa rin sila na maging magkaibigan.
Pagod na ang puso ni Mama Vicki at this time, ang sarili naman niya ang kanyang gustong mahalin.
Ewan ko lang kung matatanggap ni Hayden ang final decision ni Mama Vicki dahil consistent siya sa kanyang denial na walang third party sa panig niya.
MMFF 2011 halos P700 M ang kinita
Magkasabay na ginanap noong Huwebes ang formal launching ng Metro Manila Film Festival 2012 at ang appreciation dinner ng Metro Manila Development Authority para sa tagumpay ng MMFF 2011.
Dumalo sa event si MMDA Chairman Francis Tolentino at si Papa Jesse Ejercito, ang Executive Chairman ng MMFF
Si Chair Tolentino ang over-all chairman ng MMFF at siya ang nag-deliver ng good news na P636,792, 509.57 ang all-time high gross ng nakaraang film festival.
Marami ang natuwa sa mataas na gross ng MMFF 2011, lalo na ang mga member ng Mowelfund, Film Academy of the Philippines, at Motion Pictures Anti-Film Piracy Council dahil kabilang sila sa mga beneficiary.
Lalong ginanahan ang mga movie producer na gumawa ng pelikula na isasali nila sa MMFF 2012.
Dumalo sa launching ng MMFF 2012 at appreciation dinner sina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, Imee Marcos, John Regala, Eugene Domingo, Bugoy Carino, at ang ibang mga nagwagi sa MMFF awards night.
Hindi puwedeng mag-absent ang winners sa appreciation dinner or else, mababawasan ang kanilang premyo na cash prize. Sayang din ‘yon ‘no!
Nandun din si Mother Lily Monteverde. Ang pag-apir ni Mother sa appreciation dinner ang ebidensiya na wala na siyang tampo sa executive committee na nag-disqualify sa Yesterday, Today, Tomorrow sa ibang mga kategorya ng 2011 MMFF Awards.
Sa madaling salita, isasali uli ni Mother Lily sa MMFF 2012 ang kanyang mga project na welcome na welcome sa lahat dahil hindi kumpleto ang MMFF kung walang pelikula na kalahok ang Regal Films.
Mosang nasa Potchi
May pakisuyo ang GMA 7 tungkol sa episode ngayong umaga ng Tropang Potchi, ang kiddie show ng Kapuso network.
Mga guest ngayong Sabado sa Tropang Potchi sina Mosang at ang Munting Heredera star na si Barbara Miguel. Gaganap si Mosang bilang ina ni Ana (Barbara). Bibisita sila sa bahay ni Potchi ngunit hindi magiging masaya ang pagpunta nila dahil magkaaway ang mommy ni Ana at mommy ni Sab, at apektado ang mga bagets.
So, watch n’yo ngayong umaga, 9:00 a.m. ang Tropang Potchi, kasama ang stars na sina Julian Trono, Miggy Jimenez, Bianca Umali, Sabrina Man, Liane Valentino, Lenlen Frial, at siyempre si Potchi.