Pumayag na palang gumawa ng indie film si Judy Ann Santos na tumatangging mag-teleserye dahil ayaw niyang mawalan ng panahon para sa kanyang mga anak.
Istorya ni Jose Javier Reyes at ito rin ang magdididrek ng indie film na gagawin niya na may pamagat na Mga Mumunting Lihim para sa Cinemalaya Independent Film Festival. Ang mga kuwento dito ay base sa maraming karanasan sa buhay ng direktor.
Excited si Juday na luminya sa indie dahil naniniwala siya na malayo na ang inaabot ng mga ganitong uri ng pelikula. Umaabot na ito sa ibang bansa at nakakasali na sa maraming international film festivals na hindi nagagawa ng maraming mainstream movies.
Alden naka-jackpot sa The Road
May dahilan para magdiwang ang GMA Films at ilang mga Kapuso artists na tampok sa pelikulang The Road.
At tulad din ng isang Hollywood movie, magkakaroon ang The Road ng isang red carpet premiere sa Mann Chinese Theater sa Los Angeles, California sa May 9. Dadaluhan ito ng prodyuser, cast, at ang direktor nito na si Yam Laranas at ilang prominenteng personalidad sa Hollywood at international film industry.
Isa sa dapat makaramdam ng kasiyahan at pagmamalaki sa pagkakapili ng The Road para mapanood hindi lamang sa US at Canada kundi ang pagkakapili nito para makasali sa dalawang international film festival ay si Alden Richards. Bukod sa director ng pelikula na si Yam Laranas, ang kabataang Kapuso artist ang tumanggap ng pinakamalaking papuri dahil sa napakagandang performance na ipinamalas niya sa pelikula.
After his performance in The Road, marami nang magagandang pangyayari ang nagaganap sa career ni Alden. Mayroon na siyang giant billboard sa EDSA. Meron din siyang bagong teleserye sa GMA na muling nagtatampok sa love team nila ni Louise delos Reyes.
Louise at Enzo open ang relationship, puwedeng magpaligaw at manligaw sa iba
Dalagang-dalaga na si Louise delos Reyes na hinangaan ko nang una ko siyang mapanood sa pelikula ni Peque Gallaga na Agaton and Mindy.
Going back to the beauteous Kapuso artist, hindi lang nagdalaga na si Louise. May karelasyon na rin ito ng isang taon na pareho niyang artista rin ng GMA 7 at open ang relasyon nila ni Enzo Pineda. Tama na sa kanila ’yung binibigyan nila ang isa’t isa ng inspirasyon. Ayaw pa nila ng commitment.
Ang nakatutuwa pa sa kanilang dalawa, walang bawal. Puwedeng manligaw sa iba si Enzo at puwede ring maligawan ng iba si Louise. So far, wala pa silang nakikitang problema sa ganitong arrangement. Sabi nga ni Louise, sa pamamagitan nito ay masusubok niya ang katapatan sa kanya ng kanyang “special friend”.