^

PSN Showbiz

Judy Ann gustong mag-join sa mga international filmfest kaya nag-indie

- Veronica R. Samio -

Pumayag na palang gumawa ng indie film si Judy Ann Santos na tumatangging mag-teleserye dahil ayaw niyang mawalan ng panahon para sa kanyang mga anak.

Istorya ni Jose Javier Reyes at ito rin ang magdididrek ng indie film na gagawin niya na may pamagat na Mga Mumunting Lihim para sa Cinemalaya Independent Film Festival. Ang mga kuwento dito ay base sa maraming karanasan sa buhay ng direktor.

Excited si Juday na luminya sa indie dahil naniniwala siya na malayo na ang inaabot ng mga ganitong uri ng pelikula. Umaabot na ito sa ibang bansa at nakakasali na sa maraming international film festivals na hindi nagagawa ng maraming mainstream movies.

Alden naka-jackpot sa The Road

May dahilan para magdiwang ang GMA Films at ilang mga Kapuso artists na tampok sa pelikulang The Road.

At tulad din ng isang Hollywood movie, magkakaroon ang The Road ng isang red carpet premiere sa Mann Chinese Theater sa Los Angeles, California sa May 9. Dadaluhan ito ng prodyuser, cast, at ang direktor nito na si Yam Laranas at ilang prominenteng personalidad sa Hollywood at international film industry.

Isa sa dapat makaramdam ng kasiyahan at pagmamalaki sa pagkakapili ng The Road para mapanood hindi lamang sa US at Canada kundi ang pagkakapili nito para makasali sa dalawang international film festival ay si Alden Richards. Bukod sa director ng pelikula na si Yam Laranas, ang kabataang Kapuso ar­tist ang tumanggap ng pinakamalaking papuri dahil sa napakagandang perfor­mance na ipinamalas niya sa pelikula. 

After his performance in The Road, marami nang magagandang pangyayari ang nagaganap sa career ni Alden. Mayroon na siyang giant billboard sa EDSA. Meron din siyang bagong teleserye sa GMA na muling nagtatampok sa love team nila ni Louise delos Reyes.

Louise at Enzo open ang relationship, puwedeng magpaligaw at manligaw sa iba

Dalagang-dalaga na si Louise delos Reyes na hinangaan ko nang una ko siyang mapanood sa pelikula ni Peque Gallaga na Agaton and Mindy.

Going back to the beauteous Kapuso artist, hindi lang nagdalaga na si Loui­se. May karelasyon na rin ito ng isang taon na pareho niyang artista rin ng GMA 7 at open ang relasyon nila ni Enzo Pineda. Tama na sa kanila ’yung binibigyan nila ang isa’t isa ng inspirasyon. Ayaw pa nila ng commitment.

Ang nakatutuwa pa sa kanilang dalawa, walang bawal. Puwedeng manligaw sa iba si Enzo at puwede ring maligawan ng iba si Louise. So far, wala pa silang nakikitang problema sa ganitong arrangement. Sabi nga ni Louise, sa pama­magitan nito ay masusubok niya ang katapatan sa kanya ng kanyang “special friend”.

AGATON AND MINDY

ALDEN RICHARDS

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

ENZO

ENZO PINEDA

JOSE JAVIER REYES

KAPUSO

LOS ANGELES

MANN CHINESE THEATER

YAM LARANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with