Bugawan issue umabot na sa demandahan

PIK: Tinupad ng pelikulang The Road ang pangarap ni Alden Richards na makapagbiyahe sa abroad dahil isa pala siya sa isasama sa grupo na dadalo sa premiere night ng naturang pelikula sa Mann Chinese Theater sa Los Angeles, California.

Magkakaroon ito ng premiere night sa May 9 kung saan iimbitahin din ang ilang Hollywood actors na may konek sa distributor nitong Freestyle Releasing.

Kaya excited si Alden dahil hindi niya akalaing aabot sa ganitong level ng kanyang career bilang artista.

PAK: Pagkatapos magsampa ni Nadia Montenegro ng kasong unjust vexation laban kay Richard Gutierrez, nagsampa naman si Annabelle Ra­ma kahapon ng umaga ng kasong libel laban kay Ynna Asistio at editor ng isang tabloid.

Lumabas sa istorya sa isang tabloid ang isyung binubugaw diumano ni Tita Annabelle si Ynna at ang kapatid nito kaya itinuloy nito ang pagdemanda.

Kasama nito ang alaga niyang sina Bubbles Paraiso at Michelle Madrigal na tatayong witness para sa kanya.

Kinahapunan naman ay nasa San Juan Prose­cutor’s Office si Tita Annabelle para i-file ang kan­yang counter-affidavit sa kasong attempted murder, grave coercion, at grave oral defamation na isinampa ni Nadia.

Sabi ni Tita Annabelle, kapag umakyat sa korte ang mga kasong isinampa nila, dito magkakaalaman kung matatagalan ni Nadia ang lahat na mga gagastusin sa pag-maintain ng kaso.

BOOM: Sinagot ng management ng Magic 89.9 na hindi si Grace Lee ang dahilan nang pagkatanggal kay Angelicopter sa naturang radio station.

Nadagdagan lang ng ibang isyu si Angelicopter sa istasyon na hindi nari-resolve kaya napagdesisyunang tanggalin na ito.

Naawa lang sila kay Grace dahil nadadamay ito sa problema ni Ange­licopter. Parang pinalalabas kasing dahil sa pagkaka-link nito kay P-Noy kaya maimpluwensiya ito ngayon at siya ang pinaboran ng istasyon at hindi si Angelicopter.

Sasagutin ni Angelicopter ang isyung ’yan. Abangan na lang sa Startalk bukas.

Show comments