^

PSN Showbiz

Tambayan Patok Sa Usapang Pag-Ibig

-

MANILA, Philippines - Patok na patok ang tatlong love jocks ng FM station Tambayan 101.9 at talagang sinusubaybayan ng mga taga-pakinig pagdating sa usapang pag-ibig sina DJ Charlie, DJ Jasmin, at DJ Chacha

Marami na ang nakatagpo ng kanilang special someone sa pamamagitan ng programa ni DJ Charlie na Usapang Tambayan na mala-dating-game ang tema. Katunayan, dalawang pares na sa mga ito ang nagpakasal. “Imbitado pa nga ako sa wedding nila,” kuwento ng masayahing DJ Charlie. “Hindi lang ako bisita ha, kundi ninong pa.”

Si DJ Jasmin naman ang tagapayo ng Tambayan sa kanyang programang Dear Jasmin, na kamakailan ay kinilala bilang Most Development Oriented Program sa 2012 Gandingan Awards. Tampok dito ang sulat ng mga taong may problema sa pag-ibig na isinasalin bilang drama sa radyo at pagkatapos ay nagbibigay ng payo si DJ Jasmin. 

Aminado si DJ Jasmin na kung minsan ay mahirap ang magbigay ng payo, maliban na lamang kung siya mismo ay may pinagdaraanan. “Sa mga ganoong pagkakataon, natural na natural ang pagbibigay ko ng mga payo,” natatawang sabi ng KBP Golden Dove awardee at Gandingan Awards’ Best DJ for 2012. “Pag ako mismo ang broken-hearted, parang ang galing-galing kong mag-payo.”

Minsan nang nasubok ang galing ni DJ Jasmin sa pagbibigay ng payo, nang sumulat ang isang balikbayan na si Ben. Kuwento nito, bumalik siya ng Pilipinas upang kumprontahin ang lalaking nakabuntis sa kasintahan niya. Ito ay ang mismong matalik na kaibigan niyang si Morris.

Nagkataon namang nakikinig si Morris nang basahin ni DJ Jasmin ang sulat ni Ben. Makalipas ang isang buwan, sumulat din si Morris upang magpaliwanag, dahil umaasa siyang sa pamamagitan ng programa ay maipapaliwanag niya kay Ben ang panig niya. 

“Nakalulungkot kasi hindi pa rin naaayos ang problema nila hanggang ngayon. Pero patuloy naman ang ugnayan ko kay Ben at kay Morris at umaasa akong balang-araw ay magiging handa na silang mag-usap,” sabi ni DJ Jasmin.

?Samantala, si DJ Chacha naman sa programang Ano’ng Meron ang takbuhan ng mga listeners na nais mag-kuwento tungkol sa love life, maging sa mga issue na para sa mga mature audience lamang. 

“Nakakaaliw sila pero sa ngayon, hanggang ‘mwahmwah-tsuptsup’ na lang muna ang kaya kong ibigay,” sabi niya.

Tumutok kina DJ Charlie, DJ Jasmin, at DJ Chacha sa mga hotlines ng Tambayan 101.9: 924-2684 o 415-1111. Maari rin mapanood ang love streaming sa www.tambayan1019.com. Si DJ Charlie ay mapapakinggan sa Usapang Tambayan mula 1:00 pm hanggang 3:00 pm, si DJ Jasmin sa Dear Jasmin mula 11:00 a.m. hanggang 1:00 pm, at si DJ Chacha sa Ano’ng Meron mula 9:00 pm hanggang 1:00 am sa 2012 Gandingan Awards Best FM Station awardee, Tambayan 101.9 San ka pa! -KC

vuukle comment

ANO

CHACHA

DEAR JASMIN

GANDINGAN AWARDS

GANDINGAN AWARDS BEST

GOLDEN DOVE

JASMIN

TAMBAYAN

USAPANG TAMBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with