Rancho ni Richard sa GMA 7 para lang Valiente?

Final title o working title pa lang kaya ang Rancho para sa action-drama soap na gagawin ni Richard Gutierrez sa GMA 7? Sa title pa lang, action na ang tunog, kaya sa rancho o hacienda ang location at may horses and cows tiyak sa taping. Hindi kaya parang Valiente lang ito ng TV5?

Kinumpirma ni Richard na sina Carla Abellana at Sarah Lahbati ang leading ladies niya. Dito rin kasama si Gloria Romero dahil mas gusto raw mag-drama at nabasa rin namin ang mga pangalan nina Cesar Montano at Phillip Salvador. May tinanong kaming close kay Cesar, wala naman daw offer ang GMA 7 sa actor.

Maganda kung totoong kasama sina Cesar at Phillip sa Rancho, mas lalabas itong action. Wala ang pangalan ng isa pang actor na sinabing kasama rin sa new soap ni Richard.

Pagtuloy sa alta maraming nag-react

May mga nadamay na pangalan na wala namang kinalaman sa item namin tungkol sa Alta. Nasulat naming baka ituloy ng ABS-CBN ang project, pero iba na ang story at may pagbabago rin sa cast.

May mga nag-react dahil tuluyan nang kanselado ang project, ang sa amin lang, bakit mandadamay ng wala namang kinalaman? Hindi galing sa kampo ni Iza Calzado ang item na ‘yun at matagal na naming hindi nakakausap ang tinutukoy nilang tao. Hindi ba puwedeng may ibang source?

Dahil sa The Road, Alden makakapag-abroad na

Nabasa namin ang tweet ni Alden Richards kahapon na pupunta siya sa DFA o Department of Foreign Affairs at ang basa namin, kukuha siya ng passport para makasama sa red carpet premiere ng The Road bago ang May 11, opening sa mga sinehan sa States.

Tama lang na dalhin ng GMA Films sa premiere night si Alden dahil napaka-vital ng role niya sa nasabing pelikula.

Kung mahahawakan ng maayos, maganda ang itatakbo ng career ni Alden dahil kahit sa My Beloved, kinakikitaan siya ng husay at muli, nag-blend siya kay Dingdong Dantes na gumaganap na kanyang kapatid.

Nandito ako, pinag-usapan sa ibang bansa!

Nag-trending sa Twitter Philippines at pati sa Malaysia, Singapore, U.S.A. ang Nandito Ako dahil kay David Archuleta na maraming fans sa mga nabanggit na bansa. Ang tagal nag-trending ng miniserye ng TV5 sa Twitter Philippines at hihintayin na lang natin ay ang ratings nito.

Samantala, dahil sa Nandito Ako, sumigla uli ang showbiz career ni G Toengi, kaya nag-decide itong bumalik na sa Plipinas. In-announce nito sa Twitter na “I am moving back to the Phils.-for good this time with my family! Lots of opportunities I just can’t refuse. Exciting!”

Show comments