^

PSN Showbiz

Richard Gutierrez kinasuhan ni Nadia Montenegro ng unjust vexation

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Nagulat si Jennylyn Mercado sa isyung engaged na raw sila ni Luis Manzano.

Pinagdiinan nitong wala pa raw talaga sa isip nila ni Luis ang tungkol sa kasal. Basta ini-enjoy lang daw nila ang kanilang relasyon.

Pero mukhang seryoso na talaga sila sa isa’t isa dahil sabi ni Jennylyn, malaki raw ang ibinago niya dahil kay Luis at ganun din naman ang huli.

Nung nakaraang Linggo ay namataang sinundo ni Luis si Jennylyn sa Showbiz Central.

Napaaga raw ito ng dating kaya nasa dressing room lang ito at pinapanood lang ang actress/TV host.

PAK: Kinumpirma ng radio DJ at Survivor castaway na si Angelicopter na tinanggal na siya sa Magic 89.9 dahil sa isyu nila ni Grace Lee.

Ayaw pa noon magsalita ni Angelicopter tungkol sa isyu. Pero dahil lumabas na, magsasalita na ito, na maaring lalong magpapalala sa away nila ni Grace.

Pero kailangan naman daw niyang magsalita para maipagtanggol ang sarili lalo na’t parang unfair naman daw itong nangyari sa kanya.

BOOM: Patung-patong na ang kaso sa pagitan nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.­ Pagkatapos nilang magharap uli kahapon sa QC Prosecutor’s Office, nagsampa na naman si Nadia ng kasong Unjust Vexation laban naman kay Richard Gutierrez.

Ito ay bunsod nang pagti-text daw ni Richard sa kanya ng kung anu-anong kabastusan.

Ipinakita sa amin ni Nadia ang mga itinext diumano ni Richard sa kanya, at pinili na lang naming huwag na itong isulat.

Ang dinig naman namin, magsasampa rin si Tita Annabelle ng isa pang kaso pero hindi pa namin tiyak kung kay Nadia ito o laban naman kay Ynna.

Pero baka merong taga-diyaryo na kakasuhan din ni Tita Annabelle.

Magkikita uli ang dalawa mamayang hapon sa San Juan Prosecutor’s office naman.

ANGELICOPTER

ANNABELLE RAMA

GRACE LEE

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LUIS

NADIA

NAMAN

PERO

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with