MANILA, Philippines - Sumabak sa mall tour ang beauty expert at philanthropist na si Mother Ricky Reyes para sa Gandang Ricky Reyes Salon Look of 2012 na nagsimula sa SM Sta. Mesa noong January 27. Sinundan itong noong February 2 sa Sta. Lucia East, February 10 sa SM Manila at SM Southmall last February 17. Ang susunod na mall shows, kasama ni Mother Ricky ang Protégé winners (in photo from left: Lirah Bermudez, Jensen Tenoso and Lovely Embuscado with Ricky Reyes) na aaliwin ang crowd – Feb. 25 sa SM San Lazaro, SM Fairview sa March 9 at March 16 sa SM North EDSA. Ipakikita sa nasabing mall shows ang mga bagong hairstyles para sa lahat.