MANILA, Philippines - Pinintas-pintasan ang akting ng isang aktres sa kanyang ginawang pelikula.
Kahit daw kasi maganda, wala pala itong ibubuga sa aktingan. Nang kailangan na raw itong umiyak, hindi na makaiyak at maka-drama.
Marami ang naghihinayang sa aktres dahil magandang-maganda siya.
Sarah dineklarang reyna ng twitter
Panahon na siguro para maging active uli sa Twitter si Sarah Geronimo.
Imagine hindi pa nga siya active sa Twitter, pero heto at siya na ang dineklarang Twitter Queen matapos siyang mag-no. 1 nang kung ilang araw sa Twitter since Sunday.
Actually hindi ito ang unang pagkakataon na nagti-trending siya sa tuwing aapir sa Kapamilya shows.
Dineklarang Sarah G. Day last Sunday dahil sa sunud-sunod niyang promo para sa bago niyang show na Sarah G. Live na eere sa Linggo.
After Sunday, Wednesday na today pero as of presstime, siya pa rin ang No. 1.
Dating active sa Twitter si Sarah pero aminado siyang sensitive siya at hindi kinakaya ang mga haters.
Last year pa siya huling nag-tweet.
Kino-consider niyang bumalik sa Twitter : “Baka po bumalik ako,” sabi niya kamakailan sa isang interview. Halos 1 million na followers ni Sarah bago pa siya nag-quit.