Derek at Angelica sa hospital nag-Valentine
Nilinaw ni Derek Ramsay na hindi sila nagkakalabuan ng kasintahang si Angelica Panganiban katulad ng mga balitang lumabas sa social networking site na Twitter.
“Sinabi ko lang Happy Valentine’s Day, malamig na raw kaagad ako. Siguro naman kapag Valentine’s gusto ko naman sabihin in person hindi lang over. Twitter ’di ba? Angel was in the hospital for Valentine’s. I went over there to see her. So hindi ko alam kung saan nanggaling ’yun. We’re very okay. We’re very good,” pahayag ni Derek.
Matagal na ring magkasintahan sina Angelica at Derek kaya marami na ang nagtatanong sa kanila kung wala pa ba silang balak lumagay sa tahimik?
“Concrete plans wala pa but I’ve always said that I feel I’m ready to get tied down with Angel. We’ve been together for five years and I’m looking forward to spending great years with Angel. We’re both doing well in our careers, our relationship is very healthy.
“So that’s the biggest thing that can happen to a relationship. So someday, at the end of the road, dun din kami mapupunta,” paliwanag ng aktor.
Kamakailan ay nagbakasyon pa sila sa Dubai kasama pa ang ina ng hunk actor.
Pagiging siga ini-enjoy ni Rhap Salazar
Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Rhap Salazar sa telebisyon. Sa kanyang pagbabalik ngayon ay naging bahagi siya ng comedy teen-oriented show ng Kapamilya Network na Luv U.
Hindi na nahirapan si Rhap sa kanyang role bilang isang bully sa nasabing programa.
“Before kasi ’yung mga roles ko bully din kaya medyo siguro mas matapang ako rito. Kumbaga ako talaga ’yung siga talaga. Hindi ’yung before medyo slight lang. In real life naman joker ako, nagpapatawa lagi sa friends, komedyante,” paglalahad ni Rhap.
Hindi natatakot ang labing anim na taong gulang na aktor na malinya sa ganoong mga uri ng role sa kanyang mga proyekto.
“Siga lang talaga ako rito tapos minsan may mga patawa rin. Kung mainis man sa akin ang mga tao siguro matutuwa pa ako kapag may mga ganun akong feedback na matatanggap. Ibig sabihin kasi nun sa akin na effective ako sa role ko and may mga tao akong medyo napapainis or ’yung iba napapatuwa,” paliwanag pa ni Rhap.
Hindi rin siya nahirapan sa kanyang mga kasamahan sa programa dahil halos lahat daw ay graduates ng Goin’ Bulilit at kakilala na niya noon pa man.
“They’re very okay naman kasi hindi man ako graduate ng Goin’ Bulilit, nakakasama ko rin naman ’yung mga iba sa workshops and kung saan man dito sa ABS-CBN. Hindi naman sila mahirap pakisamahan,” giit pa ng batang aktor. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest