Andrew E. tutulong, Nora ipoprodyus ng album si John Rendez

Sa paglunsad ng 12 shows sa TV5 nasabi ng presidente ng network na kaya nilang magprodyus ng mga quality shows. Kaya naman nakikipagsabayan na sila sa ibang network.

Lahat ng mga artista ng bawat show ay ipinainterbyu sa entertainment press kaya nainterbyu naman namin ang mga artista ng Kapitan Awesome. Isa na rito ang gumaganap na tatay ni Martin Escudero na si Andrew E.

Naisiyete nito na kinausap na siya ni Nora Aunor para iprodyus ng album si John Rendez sa kanilang pagbabalik at siya ang mamamahala sa recording ng dating Fil-Am rapper at ito rin naman ang forte ni Andrew E.

Taong 2006 nang pansamantalang tumigil sa showbiz ang komedyante pero nag-concentrate sa negosyo nilang mag-asawa na nauukol sa social network.

Natuwa ito nang magbalik-showbiz at nakapag-guest siya sa isang show ng TV5 hanggang kinuha na sa Kapitan Awesome. Agad niyang tinanggap ang offer dahil gusto niyang makatrabaho si Joyce Bernal at maganda pa ang TF.

“Pagbubutihan ko ang paglabas dito at sana magtuluy-tuloy na ang proyekto ko lalo na sa sitcom,” sabi ng Pinoy rapper-comedian.

Baliw o nasapian ng masamang espiritu?

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang Devil Inside ng Solar-UIP ng mga mahihilig sa mga katatakutang Pinoy moviegoers.

Taong 1989 ng ang mga emergency responders ay nakatanggap ng 911 call mula kay Maria Rosal na umaming nakapatay siya ng tatlong lalaki. Makalipas ang dalawangpung taon, ang anak niyang si Isabelle ay nagtungo sa Centrino Hospital for the Criminally Insane para alamin kung ang kanyang ina ay isang baliw o sinapian ng masamang espiritu.

Totoo kaya na ang pagpatay ng kanyang ina ay may kinalaman sa exorcism?

Ito ang sasagutin sa Devil Inside na mapapanood na sa Feb. 29.

Show comments