Rhian at Aljur, accidental Valentine couple
Hindi akalain nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos na sila ang magiging magka-Valentine nung Araw ng mga Puso. Tumapat ang nasabing araw sa last shoot ng My Kontrabida Girl at isang kissing scene pa ang eksena. Nakunan na ang scene when they realized na lampas na pala ng alas dose ng gabi at Valentine’s Day kung kaya sinamantala na ni Aljur para batiin ang kanyang kapareha na ginantihan din nito ng pagbati.
Both stars who are loveless at the moment ay natuwa na kahit single sila ay hindi zero ang kanilang araw.
Bea nangangati sa bagong hairdo
Hindi lang pala ang love team nina Bea Binene at Jake Vargas ang kaabang-abang sa bago nilang serye sa GMA 7 na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis. Masusubukan din ang lakas ng love triangle nila kay Derick Monasterio na kahit kay Lexi Fernandez naka-love team will vie for Bea’s attention. Pahintulutan kaya siya ng character ni Jake?
Samantala, hirap si Bea sa kanyang buhok sa nasabing serye. Bukod kasi sa kinukulot ito tuwing makakatapos sila ng eksena ay tini-tape pa ito at nilalagyan ng katakut-takot na hairpin to keep it in place. Mahigit isang oras kinukulot ang kanyang buhok at kahit nangangati siya ay no choice siya. ’Yun ang hinihingi ng role niya.
aaaaa
Pinanood ko ang napaka-matagumpay na pagsasama sa pelikula ng Unofficially Yours tandem na sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Hindi exaggeration ang claim ng Star Cinema na ilang milyon din ang kinita nito sa unang araw ng pagpapalabas nito dahil punung-puno ang sinehan na pinasok namin sa The Block ng SM North EDSA.
Hindi seryoso ang movie, marami itong nakatutuwang eksena pero malakas ang kilig. Hindi mo aakalain na ang maraming bed scenes ng dalawang gumaganap ng major roles na sina Ces (Angel) at Mackie (John Lloyd) ay mas magbibigay ng kilig at hindi ang karaniwang emosyon na inaasahan sa mga makakapanood ng kanilang mga bed scenes.
No matter how sexy the scenes are walang makikitang ilangan ang mga manonood kina John Lloyd at Angel. Maganda ang pagkakakuha ni Cathy Garcia Molina ng kanilang bed scenes. Walang lumitaw na mga hindi dapat.
Kaka-in love rin ’yung mga gumaganap ng support roles. Tulad ng napaka-ideal na pamilya ni Mackie (Edgar Mortiz, Melissa Mendez, at ang magkakapatid na Patricia, Dana, at Danielle Martinez), ang group of friends nina Ces (Mel Kimura at Kai Brosas) at Mackie (Edgar Allan Guzman, and company). Sinadya rin ni Direk Cathy na gawing hindi perfect ang pagkanta ng cast ng ilang awitin sa pelikula. Kahit minsan ay sumesemplang ang mga tono ng kumakanta, nakadagdag ito sa saya ng pelikula. Pero kung gusto n’yo ng mas magandang bersyon ng mga awitin, available na ito 3rd edition ng OPM Number 1s sa Star Records.
Mas dadami pa ang mga manonood ng Unofficially Yours dahil mas marami pa ang makakabalita ng kakaibang pagkukuwento ng isang love story na ang kaselanan ng tema ay ikinubli sa mga nakatutuwang eksena.
Janice napiga ng husto ni Boy
Tama ang hinala ko, napaka-interesting ng ginawang pag-i-interview nung Sabado ni Boy Abunda kay Janice de Belen sa kanyang award-winning talk show na The Bottomline with Boy Abunda. Marami siyang napiga sa magaling na aktres.
Sa tagal ng pagiging artista ni Janice, na mas pansin ngayong gumaganap siyang nanay ni Budoy, marami palang hindi alam ang publiko tungkol sa kanya. Kahit aware ang lahat sa naging relasyon niya kina Aga Muhlach who is father to Luigi, her eldest child and who has given her first apo and Gabby Concepcion.
Si Gabby na naging boyfriend pala niya sa pagitan ng pakikipagrelasyon nito kay Sharon Cuneta. Naging masakit ’yung paghihiwalay nila na nalaman lamang ni Janice nang makita nito sa TV na suot ni Sharon ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Gabby.
Pero kung sa kabila ng naputol na relasyon niya sa dalawang aktor ay nanatili ang kanilang pagkakaibigan, opposite naman ang kinahantungan ng marriage nila ni John Estrada na ang sakit na ibinigay nito sa kanya ay nananatili pa rin hanggang ngayon at dahilan kung bakit ayaw niya itong makasama kahit na sa anong proyekto. Inamin din ni Janice na nagkaroon siya ng seryoso at mahabang relasyon sa isang hindi pinangalanang lalaki. Hindi lamang naging matagumpay ang kanilang relasyon na inaakala ni Janice ay bunga nang pagkakaroon niya ng mga anak at ng isang hindi matagumpay na marriage.
- Latest