Kahit lumalabas-labas na, Rhian pinagbabawalan pang makipag-usap tungkol sa pinagdaanan

PIK: Punung-puno ng energy si David Archuleta nang mag-perform ito sa mga fans niya nang ini-launch ito ng Bench bilang bagong endorser ng Bench Fix. Ginanap ang launching sa Trinoma nung Bi­yernes.

Pinagbigyan ang hiling ng mga fans na magdagdag ng kanta dahil ’yun na ang last performance niya rito sa Pilipinas bago siya bumalik ng Amerika.

Magsisimula na rin mamayang gabi sa TV5 ang kanyang drama series na Nandito Ako kasama sina Jasmine Smith at Eula Caballero.

PAK: Totoo kayang hindi na isinali si Isabelle Daza sa bagong indie film na Lam-Ang dahil hindi isinali ang isang talent ng kanyang manager na si Leo Dominguez?

Ang buong akala ni Rocco Nacino, si Isabelle ang makaka-partner niya pero nagulat ito nang nalaman niya sa story conference nung isang hapon na wala pa palang napiling makakaparehang leading lady niya.

Pero wala pang napagdesisyunan ang produksiyon kung sino ang ipa-partner sa kanya.

BOOM: Si Rhian Ramos ang binigyan ng mainit na welcome sa Party Pilipinas kahapon.

Maaga pa lang ay nasa GMA 7 na ito at habang nagpapaayos, pinapanood niya ang replay ng My Beloved sa dressing room.

Nagsimula nang lumabas-labas si Rhian bilang paghahanda sa promo ng pelikulang My Kontrabida Girl kasama si Aljur Abrenica.

Dumalo rin si Rhian sa event ng Mega magazine kamakailan pero mahigpit na ipinagbabawal na tanungin ang tungkol sa pinagdaanan niyang isyu.

Show comments