Ang bilis namang naka-move on ni Aljur Abrenica sa break-up nila ni Kylie Padilla dahil may tsikang nagkabalikan sila ni Rich Asuncion. Ang sabi, ang dalaga ang ka-date ng actor noong lunchtime ng Valentine’s Day.
Kaya lang, noong gabi ng February 14, si Sam Pinto naman daw ang kasama ni Aljur, pero baka sa contract signing nila ito as the newest endorsers ng San Miguel Light. Ang dalawa ang endorsers at ibig sabihin, madalas ang kanilang pagsasama.
On the other hand, walang bagong nali-link kay Kylie, pero crush siya ni Kiko Estrada at alam naming maraming may type sa dalaga.
Joshua ‘Marry Me’ agad ang bigay kay Barbie
Hindi namin parehong nakausap sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza sa taping ng Tweenhearts kaya hindi tuloy natanong sa reaction nila sa hindi magandang reaction ng ilan sa Marry Me perfume na Valentine’s Day gift ni Joshua sa ka-love team.
Ang dating kasi ng gift ni Joshua ay nagpaparinig kay Barbie na laliman pa ang kanilang relasyon, kaya may nag-react ng masyado pa silang bata para isipin ang pagpapakasal.
Samantala, magiging part ng Tweenhearts si Julie Ann San Jose, gagampanan nito ang role ni Mira, kapareha ni Jacob (Jake Vargas). Sa Thursday ito magsisimulang mag-taping at one month lalabas.
Show ni Manny aaraw-arawin na!
May plano raw na gawing daily ang Manny Many Prizes ni Cong. Manny Pacquiao, ayon ito kay direk Louie Ignacio na director ng show. Kung matutuloy, sa July araw-araw na raw mapapanood ang show at payag daw sa planong ito si Manny. Willing din itong mag-taping o lumabas ng live daily.
Kapag natuloy, siguradong mababago ang programming ng network sa pagpasok ng Manny Manny Prizes.
JC affected sa pagpasok ni David Archuleta
Nalungkot si JC de Vera sa desisyon ng TV5 na i-move ang time slot ng Valiente at paunahin ang airing ng Nandito Ako. Tweet nito: “Bakit kailangang i-move ‘yung time slot nasimulan na. One week pa lang TV5 nakakalungkot.”
May rason naman siguro ang TV5 kung bakit inuna ang airing ng Nandito Ako nina Jasmine Curtis-Smith, Eula Caballero at David Archuleta sa Valiente na may mas adult theme. Madalas overtime ang Willtime BigTime kaya siguro nag-aalala si JC.