Daiana na-trauma kay direk GB, ayaw na uling mag-dyowa

PIK : Successful ang launch ng bagong album ng nurse-entrepreneur turned singer na si Ray Gapuz na mas kilalang si Dr. G.

Ginanap ang launching sa Hard Rock Café sa Makati nung isang gabi at ipinakita ang mga awitin niya na lahat ay merong music video.

Bongga pa ang mga stars na involved sa video gaya nina Venus Raj, Hideo Muroaka, at Ms. Gloria Romero.

Tampok sa album ni Dr. G ang mga original songs na likha ni Vehnee Saturno na pinamagatang Bakit Miss Kita at Kung Kailan.

PAK : Hindi natuloy ang pagdalo ni Annabelle Rama sa hearing sa San Juan Prosecutors Office noong isang hapon.

Pina-postpone ito ng lawyer niya dahil inaayos pa ang counter-affidavit nito sa kasong grave coercion, grave oral defamation, at attempted murder na isinampa ni Nadia Montenegro laban sa kanya.

Kung siya ang masusunod, gusto niyang puntahan na ito dahil haharapin naman niya ito lahat.

“Nag-i-enjoy na nga ako, Dong! Okay lang kahit araw-araw ako pumunta rito,” biro pa ni Tita Annabelle.

BOOM : Hindi pala tinanggap ni Daiana Menezes ang alok ng isang malaking TV network sa Brazil na mag-host siya ng isang show.

 “Ang tagal ko na kasing nagsimula rito eh. Mas gusto ko rito mag-work. Brazil naman is my hometown eh. Puwede ko pa balikan ’yan,” sagot sa amin ng magandang Brazilian model/actress.

Feel na feel na kasi niya ang pagiging Pinoy kaya mas gusto niyang magtrabaho rito kesa sa kanyang sariling bayan.

Trabaho muna ngayon at walang pag-ibig dahil na-trauma siya sa naging relasyon kay Direk GB Sampedro.

Show comments