Sadsad daw ngayon ang isang talent manager.
Ultimo ang naipundar nitong maliit na property, ibinibenta na.
Dumating sa puntong kumikita ng milyones ang nasabing talent manager, pero naging bulagsak sa pera.
Ayon kasi sa isang source, grabe raw ang naging pagkalulong nito sa casino. Dumarayo pa raw ito sa abroad, sabi ng source ha, para mag-casino noong panahong hataw ang career niya.
Kaya ngayong medyo matumal daw ang kita nito, bumabalik sa mga taong tumulong sa kanya noon asking for forgiveness. Nagtatanong din daw na baka puwede rin daw siyang mabigyan uli ng trabaho.
Sarah gustong dadahan-dahanin ni Gerald
Dahan-dahan ang gustong gawing panliligaw ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo, ayaw niyang biglain.
Pero hindi sila naglilihim sa kung anong meron sila. Nauna nang inamin ni Sarah na dinalhan siya ng regalo ni Gerald last Christmas. Pormal itong dumalaw sa kanila at tinanggap ng maayos ng kanilang pamilya. Nagregalo rin daw si Sarah pati ang mommy Divine at Daddy Delfin nito ay may ibinigay din sa binata, isang wood carving na gawa mismo ng tatay ng pop princess.
Last Valentine ay sa KTV nga raw sila nag-date. Pero madamot pa sa detalye ang aktor. Kasama nila ang kani-kanilang pamilya sa nasabing ‘date.’
“Tignan natin. Kumbaga ayaw ko namang sabihin na ok agad. We have to take it slow. At saka okay na po ‘yon. Kung may bagong update ay pag-usapan natin,” sabi ng aktor after ng launching niya bilang new endorser ng Mint clothing for men tungkol sa level ng closeness nila ng pop princess.
Samantala, walang pagod ang ‘fans’ nina Kim Chiu at Gerald sa kaka-email ng hate messages laban kay Sarah. Kung anu-ano lang naman ang sinasabi nila at alam mong ang intention ay wasakin ang kung anumang meron sina Gerald at Sarah.
Pero parang iilan lang naman ang pinanggagalingan ng mga hate mails na ‘yun at mukhang wala namang epekto sa mga sinisiraan nila.
It’s Official: Unofficially Yours box-office hit!
Ang lakas-lakas daw ng pelikulang Unofficially Yours starring Angel Locsin and John Lloyd Cruz na nagsimulang mapanood sa mga sinehan last Wednesday.
Balitang umabot sa P18.5 million ang kinita ng pelikula sa opening day.
Meaning naka-jackpot sila. Balitang unbelievably long ang pila ng mga gustong manood ng pelikula sa lahat ng sinehan na pinalalabas ito! Mukhang na-excite sila sa sinasabing daring theme at new brand of romantic-comedy. Tiyak maraming naka-relate sa story, characters at message ng movie. Kaya ang resulta, nag-uumapaw sa takilya!
Graded B pa ng Cinema Evaluation Board ang Unofficially Yours kaya ibang level ‘to.
Unofficially Yours is now showing in over 100 theaters (and more cinema chains opening additional theaters by the day) nationwide.