Para namang ang bilis maka-recover ni Danita Paner sa hiwalayan nila ni JC de Vera. Walang bakas ng kalungkutan ang makikita rito nang humarap ito sa press para sa promosyon ng Isang Dakot na Luha. Pumayat lang ito ng bahagya, na hindi resulta ng kanyang broken heart. Sinadya niyang magpapayat para bumagay sa kanya ang role ng isang mahirap sa bago niyang serye.
Sinabi ng batang aktres na wala naman siyang dapat ikalungkot ng matagal. Maaga niyang na-realize na kailangan nila ni JC na mag-focus sa kanilang mga career.
Kailangan pa ring mag-aral ng pole dancing ni Danita para sa kanyang role sa Isang Dakot...
Hindi rin siya worried na magiging sexy ang image niya sa serye dahil talagang plano na niya na tumanggap ng mature roles.
Niña Jose hindi apektado kay Vic Sotto
Hindi apektado bahagya man si Niña Jose sa naging isyu sa kanila ni Vic Sotto.
Sinabi ng seksing artista na pagkakaibigan ang relasyon nila ng beteranong aktor. Na-misinterpret lamang ito ng marami dahil sa kagustuhan nilang makalikha ng isang bagong love triangle with Pauleen Luna.
May boyfriend sa kasalukuyan si Niña na naiintindihan ang takbo ng trabaho niya, kaya wala itong selos na nararamdaman sa pagli-link kay Niña at Vic.
Isa sa co-stars niya sa seryeng Valiente ay ang anak ni Vic na si Oyo Sotto. Friend din sila ng batang Sotto pero never nilang pinag-usapan ang isyu sa kanila ni Vic.
TV5 gusto nang makipagsabayan, 12 bagong shows inilunsad
Labindalawang (12) bagong programa ang ipalalabas ng Kapatid Network sa first quarter ng 2012 na naglalayong magbigay hindi lamang ng sandamakmak na saya sa mga manonood kundi maging ng drama, papremyo, matitinding serbisyo publiko, at impormasyon.
Hinding-hindi magpapahuli ang TV5 sa pagbibigay ng mga programa, mula umaga, hapon, gabi, pitong araw sa isang linggo para lamang mapatunayan na isa silang major network.
Kasama sa programang ilulunsad ang Good Morning Club. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 5:00-7:30 ng umaga at may simulcast sa Aksyon TV.
Back to back drama series naman ang tampok sa primetime na pangungunahan ng Valiente.
Samantala sa kauna-unahang pagkakataon ay isang dayuhang singing sensation ang bida sa ikalawang mini-seryeng handog ng TV5 na magsisimula pareho sa Peb. 20, ang Nandito Ako.
Mapapanood naman sa hapon ang dalawang mini-seryeng Felina at Isang Dakot na Luha.
Babandera naman ang Team Pilipinas sa The Biggest Game Show in the World, 9:00 a.m., Linggo.
Mga progresibong balita at dokumentaryo ang ibabahagi ng Insider, pinakabagong late-night public affairs show. Umeere ito tuwing Huwebes,10:15 ng gabi.
Bubuhos din ang pinakamalalaking game shows ngayong Marso. Tulad ng Game n Go at Extreme Makeover Home Edition Philippines. Bagong bahay at buhay ang naghihintay sa mapapalad na pamilya sa palabas na ito.
Sa susunod na buwan ay masasaksihan na ang pagbabalik sa TV ni Sharon Cuneta.
Aljur at Kylie ang daling nagkalimutan
Hindi naman siguro talagang love ‘yung namagitan kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Parang napakadali nilang kinalimutan whatever transpired sa pagitan nila to be able to focus more on their respective careers.
While Kylie now is said to be playing good music sa kanyang kapareha sa The Good Daughter na si Rocco Nacino, sinasabi namang may kapalit na sa puso ni Aljur ang anak ni Robin Padilla na isang miyembro ng all girl band na Pretty Young Thing at nagngangalang Ava. Pero itinanggi ito ni Aljur at sinabing una niya itong naging kaibigan after StarStruck. Kakilala ito ng kanyang pamilya.