PIK: Nung nakaraang linggo lang sinelebreyt ng mala-K-Pop group na Down to Mars ang kanilang first anniversary sa showbiz.
Sila ang ipinalit sa Party Pilipinas pagkatapos na-disband ang XLR8 pero parang Koreanong-Koreano talaga sila - mula sa look, ang kanilang pangalan at style sa pagkanta.
Gusto rin nilang mag-set ng panibagong trend sa pagkanta at pati sa fashion para sa mga kabataan.
Abangan na rin ang first album nila na malapit na ring i-release.
PAK: Narinig namin sa isang radio program na merong isang nurse sa hospital sa Davao na pinagdalhan daw kay Pauleen Luna nung hinimatay ito na nagkuwentong nag-urinalysis ang aktres at nakita na positive ito.
Natawa si Pauleen sa kuwentong ’yun dahil hindi naman siya nagpa-test doon.
Matagal bago siya nahimasmasan, na ang naalala niya ay kakagatin na nga sana ang hinlalaki niya sa paa kung hindi pa ito nagkamalay.
Pinagpahinga lang siya dahil sa kulang sa tulog, hindi nakakain at sobrang init doon sa Davao, kaya siya hinimatay.
“Puwedeng’ yun lang ang dahilan, at hindi ’yang buntis-buntis na ’yan?” natatawang sagot ni Pauleen.
BOOM: Nag-text pala si Ogie Alcasid kay Mo Twister na nag-sorry sa ginawang pag-spoof nito ng abortion video ng huli.
Nag-tweet si Mo na tinanggap niya ang apology ni Ogie, kaya tapos na ’yun.
Sana nga tapos na at hindi na palakihin dahil habang pinag-uusapan ito, kay Rhian Ramos na naman babagsak ang bagong isyu nila.
Marami na ang naawa sa young actress dahil gusto naman nitong makabangon na sa iskandalong ’yun, lalo na’t may nalalapit itong pelikulang Kontrabida Girl kasama si Aljur Abrenica.