Nakaka-turn off ang tattoo ng aktor na na-sight ko sa showbiz event na pinuntahan ko. Nagmukhang marumi at hindi naliligo ang aktor dahil sa kanyang katawan na tadtad ng tattoo.
Kahit nega ang feedback sa kanyang mga tattoo, wala nang magagawa ang aktor dahil mahirap nang burahin ang mga mantsa sa katawan niya.
Hindi ko kinokondena ang mga nagpapalagay ng tattoo dahil kanya-kanyang trip lang ’yan pero hindi na talaga magandang tingnan ang mga bagay na sobra.
David Archuleta hindi pinagsasawaan ng mga Pinoy, feel na feel na nandito!
Everywhere si David Archuleta ha? Nagkamali ako ng akala na nag-goodbye Philippines si David nang pumunta ito sa Singapore dahil bumalik siya sa Maynila.
Nagkaroon siya ng presscon para sa kanyang album, umapir sa trade launch ng TV5 noong Martes sa NBC Tent at nag-guest sa matagumpay na concert ng mag-dyowang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Walang kasawa-sawa ang mga Pinoy kay David dahil sa natural charisma nito. Hindi sila nasasawa na pakinggan si David, kesehodang paulit-ulit ang pagkanta nito ng Nandito Ako.
Oo David, hindi mo na kailangan na magsalita ng “nandito ako” dahil feel na feel ng mga Pinoy ang presence mo.
Le Fusion hindi puwedeng isnabin
Wala si David sa press launch ng new shows ng TV5 noong Martes sa NBC Tent sa Taguig City kaya na-miss niya ang chance na ma-meet ako.
May kalayuan ang NBC Tent pero hindi nabalewala ang pagpunta ko sa presscon ng TV5 dahil pinasaya ako nina Arnell Ignacio at Gigi dela Riva na lalong gumanda dahil 20 lbs. ang nawala sa kanyang katawan.
Anyway, hindi muna ako umuwi ng bahay pagkatapos ng TV5 presscon dahil pinagbigyan ko ang imbitasyon ng mga may-ari ng Le Fusion, isang sosyal na bar/restaurant sa Global City.
Madaling puntahan ang Le Fusion dahil katapat ito ng parking lot ng S&R na katabi naman ng sosyal na St. Luke’s Hospital.
Ang mag-asawang Don at Annalou Ho ang may-ari ng Le Fusion. Hindi puwedeng isnabin si Don dahil mahusay siya na chef na graduate ng Le Cordon Bleu, ang sikat na culinary school sa Amerika.
Chinese-Vietnamese si Don pero American citizen dahil ipinanganak at lumaki siya sa US.
Pilipina na lumaki rin sa Amerika ang kanyang misis na si Annalou na perfect PR ng kanilang restaurant.
Sobrang sarap ni Don na magluto at take note, mga pagkain na wala sa menu ang inihanda niya para sa akin. Touched na touched ako sa special treatment sa akin ng mag-asawa at nasarapan ako sa mga pagkain kaya nag-promise ako na ipamamalita ko ang Le Fusion para madagdagan pa ang maraming kliyente nito.
Paborito ng mga basketball players, pulitiko, artista at yuppies ang Le Fusion dahil sa classy ambience at privacy. Nasa tabing kalsada ang Le Fusion pero may privacy ang kanilang mga kostumer.
Nagustuhan ko ang authentic Vietnamese spring rolls na gawa ni Don at to die for ang steak na halos matunaw sa bibig dahil sa lambot. Kung hindi nga lang may kalayuan ang resto, isa-suggest ko sa production staff ng Startalk na doon na lang idaos ang aming weekly meeting.
Nag-migrate sa Pilipinas ang mag-asawa dahil type nila na i-share sa mga Pilipino ang talent ni Don sa cooking. Ang madir ni Annalou na si Marilyn Estiandan, ang accountant ng Le Fusion dahil ’yon ang work niya sa Amerika bago siya nag-retire at mag-decide na mamalagi sa Pilipinas.
Kung interesado kayo na matikman ang masasarap na luto ni Don, call kayo sa cell phone 0917-5691995 o sa landline, 553-8405. Puwede ring magpadala ng e-mail sa lefusionresto@gmail.com dahil may catering business din ang restaurant nina Annalou at Don.