^

PSN Showbiz

Ramdam na hindi magmamaldita kay Bimby, Kris type si Isabel para kay James

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kahapon sa programang Kris TV ay ipinakita ang pagbisita ni James Yap sa bahay ni Kris Aqui­no kamakailan para sa weeklong birthday pre­sentation ng queen of all media sa kanyang prog­rama.

Kitang-kita na magkaibigan talaga ang dating mag-asawa hanggang ngayon. Nabanggit pa ni Kris kay James habang kumakain sila sa iisang dining table na na-meet na raw niya ang aktres na si Isabel Oli na noon pa nali-link sa basketbolista. “Alam mo nag-hello sa akin si Isabel Oli dun sa party ni Liz (Uy). She’s sexy I like her. Papayagan kitang i-girlfriend mo siya. She looks mabait talaga, mukha nga siyang mabait in fairness. Tapos friend niya sina Liz, so siyempre hindi naman siya puwedeng maging maldita kay Bimby. Payat, super skinny,” kuwento ni Kris kay James.

Nagbigay din ng mensahe ang queen of all media para sa birthday ni James kahapon. “God bless you with so much happiness talaga and   ano­ther championship ring, and sana huwag na ta­yong mag-away for the rest of our lives,” pahayag ng aktres.

Naisip na agad kung ano, Sarah babawi sa birthday ni Gerald

Malapit nang magsimula ang pinakabagong show ni Sarah Geronimo na Sarah G Live sa Kapamilya network.

Hanggang ngayon ay wala pa rin daw love life ang dalaga pero inamin ng popstar princess na may constant communication pa rin silang dalawa ni Gerald Anderson na nakapareha niya sa pelikula noon.

Ang dalaga na kaya ang bagong nililigawan ni Gerald ngayon? “Wala pong makakapagsabi niyan. Lalung-lalo na po ako, wala ako sa posisyon magsalita tungkol diyan bilang ako ‘yung babae. Bahala na po, sobra kong naa-appreciate ‘yung effort niya na pumunta sa bahay para magbigay ng Christmas gift sa amin. Hindi ko naman po ‘yun isini-sikreto sa inyo,” nakangiting pahayag ni Sarah.

Nilinaw din ng dalaga ang isyu na diumano ay mas boto raw ang mga magulang niya kay Gerald kaysa kay Rayver Cruz dahil mas sikat at mas maganda ang katayuan sa buhay ni Gerald. “No, no, no. nakakalungkot kasi ganyan na ang perception ng ibang tao. Siyempre wala naman tayong control over other people’s minds. Kung ‘yun ang perception nila o pananaw nila sa amin or sa mga magulang ko. Naa-appreciate ko ‘yung mga taong naiintindihan ‘yung standpoint ng mga magulang ko na pino-protektahan nila ako. Ayaw nilang dumaan ako sa maraming relationships. Gusto nila kapag dumating ‘yung tamang panahon, buung-buo kong maibibigay ‘yung puso at pagkatao ko,” depensa ni Sarah.

Mayroon na raw naiisip na regalo ang dalaga para kay Gerald para sa birthday ng aktor sa March 7. Reports from JAMES C. CANTOS

ALAM

GERALD ANDERSON

ISABEL OLI

JAMES YAP

KRIS AQUI

LIZ

LSQUO

RAYVER CRUZ

SARAH G LIVE

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with