^

PSN Showbiz

Sam sa beach gustong maka-date si Aljur!

-

MANILA, Philippines - Natuloy kaya ang date nina Sam Pinto at Aljur Abrenica kahapon?

Nang malaman kasi ni Sam na siya ang gustong maka-date ni Aljur kahapon, Araw ng mga Puso nag-plano agad si Sam.

Sa beach niya gustong makasama ang kapwa Kapuso aktor.

“If that would happen, I would want us to go to the beach. I love the beach so much, it would be perfect if he would take me there. Kahit simple lang, like candle light dinner while watching the sunset,” sabi ni Sam na siyang FHM sexiest woman at endorser ng San Mig Light.

Mukhang uubra ito dahil maraming beach sa Batangas. Kahit patawang sinabi ni Aljur na sa Paris niya gustong maka-date si Sam, gusto niyang makita nito ang kanyang bar sa Batangas.

“Puwede sigurong sa bar namin sa Batangas. Gusto ko simple lang pero special. Gusto ko ako mag prepare para sa kanya, magmula set-up ng place hanggang sa food,” kuwento ng binata.

“I’m shy to admit but sobrang crush ko si Sam. Iba kasi ‘yung appeal niya, iba ‘yung dating. Kapag nasa Party Pilipinas, I sometimes feel awkward when I see her,” dagdag pa niya.

Problema nga lang ay mukhang sobrang busy ni Aljur. Sa kasalukuyan ay ginagawa nya ang pelikulang My Kontrabida Girl at isa rin siya sa mga hosts ng Party Pilipinas tuwing Linggo. Kaya malamang ay pamilya muna niya ang makakasama sa Valentine’s Day.

“Family ko na lang ang date ko this Valentine’s Day. Kasi madalang ko na lang silang makasama,” wika ni Aljur.

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ARAW

BATANGAS

KAHIT

KAPAG

MY KONTRABIDA GIRL

PARTY PILIPINAS

SAM PINTO

SAN MIG LIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with