Kris binusalan ni P-Noy para hindi pakialaman si Grace

Baka kapag mas sumikat si Grace Lee kaysa kay Kris Aquino ay mag-react na rin at mag-comment finally ang Queen of All Media tungkol sa isyu sa nililigawan ng kanyang kuya.

Sa ngayon kasi ay tameme pa si Kris, hindi umiimik. Naniniwala ang marami na pinagsabihan itong manahimik ni P-Noy. In the past ay ito ay nagbibilad ng mga pribadong bagay tungkol sa love life ng kanyang kapatid. Ngayon ay si Grace na.

Napaka-suwerte naman ng presidente. Magaganda at maimpluwensiyang babae ang nakapaligid sa kanya.

Special Friendship!

Talagang ispesyal ang friendship nina Betong at Maey. At dahilan sa kanilang loyalty sa isa’t isa, ginantimpalaan sila. Si Maey ay nakapag-uwi ng isang bagong kotse courtesy of KC Montero. Samantalang si Betong naman ang napiling Sole Survivor sa ikatlong taon ng pag-ere nito. P3M ang premyo niya na hindi pa natatanggap pero marami na ang naghihintay ng balato.

Silang dalawang magkaibigan ang magkasama nung Valentine.

Hindi kaya magkatuluyan ang dalawang ito?

Show comments